Rio Valdez
Today, 11:45 PMJineina
Rio
Natatakot ako..Rio
What?
Bakit?
Anong nangyari?Jineina
Nandito ako sa kwarto ko, nakasilip sa bintana.. may nagmamasid sa akin sa labas.Rio
Did you lock all the doors?Jineina
OoRio
Don't ever open the door, Jineina.Jineina
Natatakot ako, Rio.Rio
Just don't open it!
I'm coming.
Wait for me.Jineina
Rio...Rio
I'm coming, Jineina.
Nagdadrive na ako.Jineina
Bilisan mo, Rio.. please.Rio
Yes, yes that's what I'm doing.
Buksan mo lang ang pinto pagkarating ko d'yan.•••
Mumukat-mukat kong binuksan ang pintuan at sumalubong sa akin si Rio na bakas ang mukha sa pag-aalala. "Rio?"
Tinignan ko ang orasan at alas-dose na.
"How are you? Hindi ka ba lumabas ng bahay?" Bakas pa rin ang pag-aalala sa mukha nito.
"Teka lang, magrelax ka nga," usal ko at pinapasok na siya sa loob at nilock ang pinto. "Ano bang nangyayari sa 'yo?"
Tinignan niya ako na parang naguguluhan. "Ako dapat ang magtanong niyan, Jineina."
"Huh?"
Pinakita niya sa akin ang phone niya at lumabas dito ang conversation namin.
"What? Hindi ako ang nagchat niyan!" bulalas ko at di makapaniwala. "Paano ko masasabi 'yan e maaga akong natulog kanina?"
Pati siya ay naguluhan na rin. "What do you mean? Hindi ikaw 'to? Then who?"
"Hindi ko alam! I was sleeping peacefully."
Napasapo siya sa kaniyang noo at pumikit nang mariin. "Great, akala ko kung ano na ang nangyari sa 'yo."
Tinignan ko siya. "Nag-alala ka?"
"Of course!" sagot niya na hindi na napigilan ang sarili. "Ngayong alam kong safe ka, uuwi na ako."
Maglalakad na sana siya ngunit pinigilan ko siya sa braso. "Sandali lang. Salamat, Rio." Nginitian ko siya. Nagpapasalamat talaga ako na mayroon akong kaibigan na katulad niya.
Ngumiti lamang siya sa akin bago siya tuluyang umalis.

BINABASA MO ANG
Demon Says
Mystère / ThrillerMidnight Package Series #01 As Jineina received an unknown package, she got the eerie feeling she never experienced before. Upon opening it, she was surprised by a phone. It is a new phone without any password or lock. Any resemblance for its owner...