Theron Fuentes
Today, 9:36 AMTheron
Isakripisyo niyo na ako.Mamamatay na rin ako, Nin..
Malala na ang sakit ko.
Hindi na ako tatagal ng ilang buwan, Nin..
Masakit.. sobrang sakit dahil maiiwan ko sina mama..
Pero bakit ko pa nga ba patatagalin 'di ba?
Alam kong isa ako sa mga task mo.
Dahil naglalaro na rin ako.
At 'yung mga task na ibinibigay sa akin.. ay ang saluhin lahat ng task niyo.
Kukunin mo ang mga mata ko, Nin..
Alam ko 'yon.
Pero hindi ako aangal, kung 'yon din naman ang magpapadali sa aking buhay.
Pero may isa lang sana akong hiling..
Si Mama at mga kapatid ko, iiwas niyo sila sa larong 'to.
'Yon lang, Nin..
:)
Magiging masaya pa rin ako para sa inyo.. hinding hindi ako magtatanim ng galit sa inyo dahil mga kaibigan ko kayo at alam kong wala kayong kasalanan dito.
Doon sa sinend mong address, doon tayo magkita.. doon mo na gawin, Nin.

BINABASA MO ANG
Demon Says
Mystery / ThrillerMidnight Package Series #01 As Jineina received an unknown package, she got the eerie feeling she never experienced before. Upon opening it, she was surprised by a phone. It is a new phone without any password or lock. Any resemblance for its owner...