(Long Narration)
"No way, Rio. Hindi ko gagawin 'yon!" Napapikit ako nang mariin dahil sa sobrang pagkabahala. Nandito kami sa tambayan namin at nagkita kami.
"Jineina, alam mong kapag hindi mo ginawa 'yan ikaw ang mapapahamak," bulalas niya at tinignan ako nang nagsusumamo. "Sige na, Jineina.. isang daliri lang naman."
"Rio!" Napatayo na ako at napahilamos ng mukha. "That's not as easy as you think! I can never do that to you!"
"I can sacrifice myself for you, Jineina," seryoso niyang sabi. Natigilan ako roon.
"W-what do you mean?"
Napaiwas siya ng tingin. "You're my friend, I can't just let you get hurt."
Napayuko ako. "Iyon na lang ba talaga ang paraan?"
"Yes. I know the game very well."
"May ibinigay ba sa iyong bagay pagkatapos ng last na inutos sa 'yo?" tanong niya.
Tumango ako. "'Yung kutsilyo."
"Iyon ang gagamitin mo sa pagputol ng daliri ko."
•••
Pumunta kami ni Rio sa bahay ko upang kuhain ang kutsilyo at doon gawin ang karumal-dumal na utos ng demonyo. Pinatay namin ang ilaw upang hindi ko makita ang magiging resulta nito. Lamp shade lang sa gilid ang bukas.
"Are you ready, Jineina?" Tanong sa akin ni Rio at naluluha ko siyang tinignan.
"N-no.. hindi ko yata kaya."
Nakalapag na ang isang kamay niya sa sangkalan at hawak ko na ang kutsilyo.
"You need to be brave, Jineina," he smiled. "Hindi ako magagalit sa 'yo, hindi kita sisisihin, I insist."
Bakit ba ang bait niya? Noon pa lang ang bait niya na talaga sa akin. I mean sa amin na mga kaibigan niya.
"I'm sorry, Rio."
Itinaas ko na ang aking kamay.
Ihahataw ko na ito sa kaniyang daliri nang makarinig kami ng pagpihit sa pinto. Parehong nakuha non ang aming atensyon.
Sinenyasan niya akong huwag magsasalita at nagtago kami sa sala.
Ilang minuto lang ay nabuksan na ito ng tao sa labas. Gabi na nga pala. Sa sobrang dilim ay hindi namin ito makilala.
Naglakad ito papasok sa loob nang dahan dahan. What the? Magnanakaw? Really? Ngayon pa talaga?
Kinalabit ako ni Rio na parang may naisip siyang paraan na nakuha ko naman agad. Tumango ako sa kaniya.
Maya maya ay tumayo na si Rio at agad na sinapak ang lalaking nanghimasok sa bahay. Nagulat ito at nanlaban pa. Nagsuntukan sila roon.
"Ugk!" daing ni Rio nang masikmuraan siya nito pero agad din itong nakabawi. Kinuha niya ang kamay nito at malakas na ipinatong sa lamesa. "Jineina!" sigaw niya sa akin.
Agad akong tumayo at tatakbong lumapit sa kanila. "Wrong timing ka, boi, ngayon ka pa talaga magnanakaw," mahina kong saad at hinataw sa kaniyang kamay ang kutsilyo nang pagkalakas-lakas.
Demon Says, chop his finger.
That's right, there's no name included. Basta lalaki.

BINABASA MO ANG
Demon Says
Mystery / ThrillerMidnight Package Series #01 As Jineina received an unknown package, she got the eerie feeling she never experienced before. Upon opening it, she was surprised by a phone. It is a new phone without any password or lock. Any resemblance for its owner...