Demon Says 22

16 10 4
                                    

Gabi na. Narito ako ngayon sa labas ng bahay at nagpapahangin. Napaka-alinsangan ngayon. Dagdag pa na brownout.

Tuloy ang pagpaypay ko sa aking sarili nang may mamataan ako sa di kalayuan sa may poste. Tao ito alam ko.

Pero sino?

Pinaningkitan ko ito ng tingin upang mas makita ang mukha nito.

And shit. Si Millie ba 'yon?

Bakit siya... duguan?

Demon SaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon