"Nand'yan po ba si Theron?" Tanong ko kay Tita Lita naabutan kong nagwawalis sa kanilang bakuran.
"Oh, Jineina, nand'yan ka pala." Ngumiti ito sa akin bago lumapit. "Wala e, nasa trabaho niya na maaga siyang umalis."
"Ganoon po ba, sige po." Napayuko ako at napa-isip muli kung gagawin ko nga ba 'yon. Ang hirap. Tangina, kaibigan ko 'yon.
"Jineina.." tawag sa akin ni Tita Lita. "Mukhang may problema ang anak ko, hindi niya kami kinikibo, puwede bang kausapin mo siya?"
Tinignan ko si Tita Lita na bakas ang lungkot at pag-aalala para sa anak. How could I endure this? May pamilya si Theron na naghihintay sa kaniya.
"S-Sige po, Tita. I'll try po." Tumalikod na ako upang hindi nito makita ang paglandas ng luha ko.
'I'm sorry, Tita..'
Theron Fuentes
Today, 9:32 AMJineina
Theron, busy ka ba?Theron
Hi, Nin :)
Medyo lang naman, bakit?Jineina
Puwede ba tayong magkita?Theron
Bakit?
May sasabihin din talaga ako sa 'yo e, saan tayo magkikita?Jineina
[sent location]Theron
Pupunta ako, Nin.
Pero siguro sasabihin ko na sa chat 'yung dapat kong sabihin.Jineina
Ano 'yon?Theron
Isakripisyo niyo na ako.
BINABASA MO ANG
Demon Says
Misterio / SuspensoMidnight Package Series #01 As Jineina received an unknown package, she got the eerie feeling she never experienced before. Upon opening it, she was surprised by a phone. It is a new phone without any password or lock. Any resemblance for its owner...