Demon Says 9

23 9 17
                                    

[13, June]

"Shit!" Napabalikwas ako ng bangon nang makaramdam ako ng sakit sa aking dila. Nagdali-dali akong pumunta sa salamin at marahang ngumanga upang makita ito.

"Tangina. Ano 'to?"

May marka ng kagat ang aking dila at sa diin nito ay may iilang dugo akong nakikita at nalalasahan.

Doon ko naalala ang laro. Shit. Totoo ito?!

Nagmamadali kong pinuntahan ang misteryosong cellphone na iyon at binuksan. Saktong 12 midnight na pala.

__________

Demon
Today, 12:00 AM

Demon
You failed to follow the demon.
The demon successfully accomplished your task.

•••

Hindi pa rin ako makapaniwala. Shit. Delikado ito. Ito ba 'yung nilalaro ni Cha?

Kung oo, hindi ko na dapat ituloy 'to!

__________

Demon
Today, 12:01 AM

Demon
Throw the phone and he'll come. Play the game and you'll win your prize.

•••

What the? Nababasa ba niya ang nasa isip ko?!

Tuluyan na akong binaha ng kaba. Halos panlaputan ako ng pawis sa nararamdaman.

•••

tea-mangs
Today, 6: 48 AM

Jineina
Guys
I think I need help.
[not sent]

Olly
???
Why, Nin?

Jineina
Remember the phone I received?
[not sent]
Bakit hindi magsend message ko?!

Theron
Anong meron?

Jineina
Papatayin yata ako ng cellphone na ito!
[not sent]
Demonyo!
[not sent]

Theron
Oy, Jinina!
Naknang
Nambibitin naman oh
Chismis ba 'yan?

Olly
Kalalaking tao chismoso

Jineina is offline.

Theron
Oh kita mo 'yan

Olly
Baka busy lang siya

•••

Shit. Bakit ganon? Nagsend naman 'yung message ko nung una. Pero bakit nang tungkol na sa cellphone na iyon ang sasabihin ko ay bigla na lang hindi nagsend ang messages ko?

__________

Demon
Today, 6:51 AM

Demon
You cannot tell anyone about our game. It's just between the Demon and You.

__________

Mas lalo akong kinilabutan. Kontrolado niya ang galaw ko. Shit. Ano nang gagawin ko?

Hindi na ako nakakain buong araw. Namalayan ko na lang na alas dose na. Na naman. Ganitong oras na naman.

Umilaw ang cellphone na nasa tabi ko. Shit. Is this for real?!

 Is this for real?!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Demon SaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon