Nanghihina ako.. parang gustong bumigay ng katawan ko habang papunta ako sa meeting place namin ni Theron.
Tinignan ko ang abandonadong bahay na nasa harap ko. Nasa loob na raw si Theron.
Para bang bawat paghakbang ko ay siyang unti-unti ring humihigop sa lakas ko. Nangangatog ang mga binti ko.
Huminga muna ako nang malalim bago tuluyang pumasok sa loob.
"Rio?" gulat kong sabi nang makita ko siya na nakatalikod sa gawi ko. "Anong ginagawa mo rito?"
Dahan dahan niya akong hinarap. "R-Rio? Bakit puro dugo ka?" Maraming talsik ng dugo ang parang sumirit lamang sa kaniyang damit at pati sa braso niya at leeg.
Ngunit mas napatuon ang aking tingin sa kamay niyang hawak ang isang kutsilyo at may tumutulong dugo pa rito. "Rio.."
Napadako naman ang tingin ko sa isang gilid.. at doon ko nakita si Theron na nakahandusay sa sahig.
"Theron.." Tuluyan na akong napaiyak at napaupo sa sahig.
"I-I'm sorry.. he's my task, Jineina."
Umiling-iling ako at patuloy pa rin sa pag-iyak. It feels so heavy. Ang sakit sakit sa puso na ganito ang kinahantungan namin.
Nanginginig man ang katawan ko ay ginapang ko ang distansya namin ni Theron. Wala na talaga itong buhay. But what made me cry more is when I saw his hands, wala ang dalawa niyang daliri.
"H-Hindi ko rin alam na siya pala 'yung pumasok sa bahay niyo nung gabing 'yon.."
"Theron.." Patuloy ang paghagulgol ko habang nakayakap sa kaniyang katawan.
"B-Bakit mo g-ginawa 'yon?"
"Narinig niya 'yung pag-uusap natin sa coffee shop.. he said he doesn't want me to get hurt," sagot ni Rio na may namumuong luha na rin sa kaniyang mata. "Kaya sinakripisyo niya ang sarili niya."
"Nag-usap na rin kami.. na bago mo kunin ang mata niya ay papatayin ko na muna siya, p-para raw matapos ko na ang task ko at hindi ka mahirapang kunin ang mata niya."
BINABASA MO ANG
Demon Says
Mystery / ThrillerMidnight Package Series #01 As Jineina received an unknown package, she got the eerie feeling she never experienced before. Upon opening it, she was surprised by a phone. It is a new phone without any password or lock. Any resemblance for its owner...