I'll warn you now, this is not edited, there's so much flaws in this story and if you dont like it leave it... A'right? Okay.°°°
Lahat ng tao may kanya kanyang pangarap, at ako si Eliana Lofranco nangangarap na pakasalan ng isang Atticus Montenegro.
Nakakatuwa. Ang saya mabalikan ang nakaraan. Kung saan kayo nagsimula, kung kailan mga mundo niyo ay nagiging isa. Napakasarap sa pakiramdam...
Kinuha, at inamoy ko ang bulaklak na nakapatong sa teacher's table noong nag-aaral palang kami. Kapagkuwan ay inilibot ko ang paningin sa loob ng silid na kinaruruonan.
Puting mga silya't lamesa. Nakakamiss na maisip na nuon ay nakaupo at sumusulat lang kami doon, peru ngayon. Isa nalang iyong ala-ala sa aming mga nakaraan...
Umikot ako at tinignan ang ginagawa ng aking kaibing si Pilar. Nagsasabit ito ng mga picture nga barkada. Pictures naming dalawa. Pictures ko at pictures na kasama ang lalaking pinakamamahal ko.
"Dinala mo pala ang mga yan?" tanong ko dito habang nakatalikod ito at nagsasabit.
"Oo naman. Ito ang pinaka mahalaga sa okasyon ngayon. Bawal makalimutan." sagot nito ng hindi nakatingin.
Napangiti ako ng kusa. Ang sarap magkaruon ng totoong kaibigan, sa hirap at ginhawa ay nandiyan at karamay mo. Tutulong kahit gaano pa ka bigat ang problemang pasan mo
Napakurap kurap ako ng pumalakpak ito, kasabay noon ay ang pagbaba niya sa pinatungang silya.
"Okay na lahat. Pwera nalang sa isa..." saad nito na nakatingin saakin.
"Ang groom," mahina kong saad.
Wala pa si Atticus. Oo, si Atticus. Ang noon ay pangarap kong pakasalan ako ay ngayon matutupad na.
"So... Nasan siya, bakit hanggang ngayon wala pa siya rito?" tanong nito na may saya sa boses
Napakagat naman ako sa aking labi. Pinipigil ang ngiting nais lumabas. Ganon din si Pilar piro sumilip patin sa mga labi nito ang ngiti.
"Hoy, kayo diyan anong ginagawa niyo!" parang na freeze ang mga ngiti sa aming mga labi ng marinig ang sigaw naiyon.
Nagkatinginan kami ni Pilar na nanlalaki ang mga mata. Ako naman ay napakagat nalang sa labi. "Lagot na." nababahalang saad ni Pilar.
Patakbo itong lumabas ng silid na aming kiruruonan nagpalinga linga ito. Nagbabasakaling makita ang tao sa likod ng boses na narinig. Doon ko naman pinakawalan ang ngiti ko, at naglakad papalabas narin sa silid na iyon.
Nakangiti akong tinanaw ang likod ni Pilar. Balisa parin itong nagpalinga linga at ng humarap saakin ay natigilan ng makitang nakangiti ako.
Kumunot ang noo nito. At mula sa pagkakahawak ko sa bouquet ipinakita ko sa kanya ang cellphone kong dala. May pinindot ako doon na sanhi na ito ay tumunog.
"Hoy, kayo diyan anong ginagawa niyo!"
"Tinakot mo ako!" parang batang singhal nito saakin, nakapamaywang ito at nugkukunyaring galit.
Hindi ko naman mapigilan ang tawa ko. Nagmula sa cellphone ang tunog na aming narinig, isang record na tila totoo.
"Eli, pinapakaba mo ako. Akala ko kung ano na, baka nahuli sila." saad nito.
"Akalain mo yun? Gumagana parin pala ang pakulo ng isang Atticus Montenegro." nakangiti kong saad sa kaibigan na ngayon katulad ko ay nakangiti narin.
"Ibibigay ko tong regalo sa kanya, siguraduhin mong makukuhanan mo ang mga reaksiyon nila. Okay?"
Pinanliitan ako nito ng mga mata. "Talaga ngang bagay kayo ni Atticus, parehas kayong nag re-regalohan eh." saad nito. Ako naman ang kumunot ang noo.
"Ano naman yun?" curious na tanong ko.
Pinagalaw nito ang kaniyang ulo sa kanang bahagi at nakangiti ito habang ginagawa iyon. Tila nagsasabing tumingin ako doon.
At bago pa ako kusang makatingin doon ay na palingon na ako ng may pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko. "Eli!"
Parang nag slow motion ang lahat, pati ang paglakad nila isa-isa papalapit saamin ay tila modelo.
Si Stephen. Si Leo na may nakasabit na camera sa leeg. Si Mateo, at Zach na nasa bulsa ang kanang kamay. At si Atticus na nasa gitna.
Para itong mga modelo na naglalakad sa isang pageant. May mga camera na pinagpipindut ang mga boton sanhi ng pagliwanag at takip sa kanilang mga mukha. Nagdagdag iyon ng kakaibang charisma sa mga ito.
At ng makarating sa harap namin ay ginagap ni Atticus ang kamay ko. Tinignan ko iyon at napangiti sa magkahawak naming mga kamay.
Ngunit bago paman may magsalita ni isa saamin ay isang sigaw ang aming narinig. Mula sa aming likuran nakita namin ang dalawang security guard.
"Hoy, kayo diyan anong ginagawa niyo!" ngayon alam kong hindi iyon isang record lang dahil totoo na iyon.
Humigpit ang pagkawak sa akin ni Atticus at hinila ako. "Takbo!" sigaw ni Stephen, ang sing aming ginawa.
Mula noon, hanggang ngayon nagsisimula kami ng mga bagay na palagi naming tinatawanan. Mga bagay na ginagawa namin ng hindi inaasahan. Noon man yon o ngayon.
Minsan ang mga kabataan nagiisip man o hindi, gagawa at gagawa parin ng mga bagay na hindi inaasahan. Sa magulo at delikado mang paraan.
Peru ako. Ako si Eliana Lofranco, ang masayang babae na makilala ang isang Atticus Montenegro sa bata kong panahon hanggang ngayun. Ako si Eliana ang swerteng babae na minahal ng isang Atticus Montenegro.
Ang makilala siya sa isang maling pagaakala ay masaya. Perpekto at maginhawa.
»The next chapters will started ten years ago.
Crush'n you are work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental, thankyou.
And also, Crush'n you are ongoing and not edited. So mistakes are everywhere, you can found typos, grammar error...Etc.
Isa pang note by me; first time kong mag sulat. Ito palang ang kauna-unahan kaya huwag niyo masyadong taasan ang expectations niyo, okay? Enjoy reading Crush'n you!♡♡♡
YOU ARE READING
MU SERIES #1: Crush'n You
Teen FictionThe stubborn, adorable Eliana Lofranco approaches the crafty top student Atticus Montenegro on purpose. Throughout their "opportunistic" friendship, feelings bloom between two as they are always there for each other. Not only do they make friends, b...