KABANATA 06

154 107 3
                                    

°°°
Favor

Uminit ang bawat gilid ng mga mata ko. Lumalabo narin ang paningin ko.

"Gusto ko rin na humingi ng paumanhin sa kaniya. Kang Atticus, sorry." hinging paumanhin ko. "Totoong hindi niya ako kilala. Peru ako, kilala ko siya." mapait akong napangiti sa sinabi.

"Noon may sinabihan akong gagawin ko ang lahat makita lang siya. Gagawin ko ang lahat makasama lang siya. Iinom kami ng milkshake, mag laro kasama siya. Kasi noon hindi ko iyon nagawa." saad ko sa nanginginig na boses.

Hindi ko rin namalayan na may luha na palang pumapatak sa mga mata ko. Kung hindi pa may tila kumiliti sa pisngi ko hindi ko mamamalayan na umiiyak na pala ako.

"Gusto kong sabay kaming maging masaya. Malungkot and share success with him." napatingin ako sa taas para pigilan ang luha ko. Pumipiyok piyok narin ang boses ko.

"Gustong makasama siya. At maging kaibigan siya hanggang sa wakas. Hanggang buhay pa ako, hanggat nandito pa ako." huling saad ko ng may nag turn-off sa mic ko at hinila ako.

Hindi ko yun inaasahan. Hindi ko inaasahang sa pagikot ko makikita ko si Atticus. Nandito siya.

"Anong ginagawa mo?" saad nito malapit sa tainga ko.

Pagtingin ko sa kaniya ay nakatingin narin pala ito saakin. Hindi ko naman mapigilan ang luha ko at kusang pumatak, hindi ko alam. Peru alam kong sinundan niya ito ng tingin habang dumadaloy iyon sa pisngi ko.

Tiim bagang na nag iwas naman ito ng tingin. Napayuko naman ako at dali daling pinunasan ang luha sa pisngi ko at nagmamadaling umalis sa silid naiyon.

"Mom, nandito naako!" saad ng isang pamilyar na boses ng lalaki ang narinig ko.

Boses iyon ni Atticus. Natiwa naman ako ng malamang nandito na siya.

Kanina pagkatapos kung mag walkout ay kinuha kulang ang bag sa room namin at dumiritso na sa bahay nila. Alam nadin naman ng Mama niya na pupunta ako dito kaya hindi na siya nagulat ng dumating ako.

Mag kaibigan ang parents ko at ang Mama niya dahil sa nangyari noon. Mama niya rin ang nagsabi na dumito na ako sakanila tumuloy pag luwas ko ng Manila.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at tumakbo para salubungin ito. Sumandal ako sa pader na katabi ng pinto ng makitang umiikot ang door knob.

At ng tuluyan itong makapasok ay 'saka naman ako tumayo at patalon na iwinawagayway ang mga kamay sa ere.

"Surprise!" sigaw ko at nakitako naman ang reaksiyon nitong gulat dahil sa pagsalubong ko sakaniya. Hindi niya yin inaasahan.

Napasandal pa ito sa pinto dahil sa gulat.

"Anong ginagawa mo rito?" naka kunot noong tanong nito.

Umalis na din ito sa pagkakasandal at nag tueid ng tanong. Tumingin pa ito sa likod ko tila may hinahanap bago ako muling tinignan.

"Bakit ka nandito sa bahay namin?" tanong niya ulit. Seryoso itong nakatingin saakin.

Ngumiti naman ako. "Hello, nagkita tayo ulit." kumakaway na saad ko dito.

MU SERIES #1: Crush'n YouWhere stories live. Discover now