KABANATA 09

94 67 1
                                    

°°°
Play

    Nang makarating kami sa room nakita kong may sinasagutan na kung ano si Atticus.

    Umupo kami ni Pilar sa kanya kanya naming upuan.

    “Hindi na hassle para sayo ang mag punta at araw-araw na pumasok dito no?” inilapit ko ang mukha ko kang Atticus habang itinatanong iyon.

    Ang tahimik kasi. Wala pa namn akong ginagawa kaya naitanong ko nalang.

    Lumingon siya sakin ng nakakunot no.

    “Napagusapan na natin kanina to hindi ba?” saad niya.

    Doon ko naman naalala ang napag usapan namin kanina. Kailanga ko nga palang tumahimik para 'di kami ma buking. Ngumuso ako.

    “Sorry.” tanging nasabi ko at ibinaling ang pansin sa hindi kahabaang buhok ni Pilar.

    At habang ginagawa ko iyon napansin ko naman ang taong nasa unahan. Siya ang babae kanina, siya ang babaeng kasama ni Atticus.

    Tila naramdaman ang titig ko ay lumingon ito saakin at ginawa ang hindi ko inaasahang magagawa niya.

    Mula sa buhok ni Pilar, mabilis na inilipat ko ang kamay ko sa balikat nito at tinapik tapik siya doon.

    “Hmm?” nalilitong saad ni Pilar na lumingon pa saakin.

    “Did she really roll her eyes at me!?” saad ko sa gulat. Hindi ko yun inaasahan.

    Anong kasalanan ko sa kaniya? Lumunok ako. Habang si Pilar naman ay nilingon ang gawi na tinignan ko at pagkatapus ay muling ibinalik saakin ang tingin habang tinatakpan ang bibig nito.

    “She is. For several times, she roll her eyes at you.” saad nito na natatawa.

    Napakurap kurap ako. The heck?

    Muli kong tinignan ang ngayong hindi na saakin nakatingin na babae. Hindi ko siya kilala, ni hindi ko alam ang pangalan niya tapos paiikotan niya ako ng mga mata? Nahihibang naba siya?

    Lumunok muna ako bago inalis ang tingin dito at bumaling nalang sa librong nasa table ko, ilang segundo lang din ay pumasok na si Miss Balthazar.

    Hinalukay ko ang bag ko at kumuha ng panulat.

    “Before I start, may announcement lang akong gagawin.” saad ni Miss Balthazar.

    Ibinalik ko ang bag sa likod ko at bakinig sa sasabihin nito.

    “Next week. We have a visitor and she or he will join our class. So, kailangan nating paghandaan ang araw na iyon. We need to prepare our room and make a presentation. At kanina habang nag me-meeting ang lahat ng MU teacher ay pinabunot kami isa isa kong ano ang gagawin at ang nabunot ko ay ang play.” mahabang saad ni Miss Balthazar. Napatango naman kami.

    Walang kahit isa saamin ang gustong magsalita.

    “At para magawa ito I neeed five volunteer student. Atticus, get this copy of what to do.” dagdag nito.

MU SERIES #1: Crush'n YouWhere stories live. Discover now