°°°
FriendsMas lalo pa akong kinakabahan ng ang mga boses ng mga bantay ay mas lumapit pa saamin.
“Mabilis ka naamn sigurong tumakbo no?” napakunot ang noo ko sa tanong niya.
Takbo? H'wag niyang sasabihing tatakbo nanaman ako, ulit?
Pangiyak ngiyak na napatingin ako sa kaniya.
Peru kapag hindi ako tatakbo mahuhuli kami, at ma e-expelled kaya wala akong choice. Napalunok ako at tumango ng dahan dahan dito.
“Alright, are you ready?” tanong nito.
At hindi paman ako maka sagot ay nahigit na ako nito papatayo.
“Ayon!” dinig kong sigaw ng bantay peru mabilis na si Adrian na tumakbo habang hawak ako.
At sa madilim na gabing iyon sa walang ingay na parke, tanging ang mga yapak lang naming tumatakbo ang maririnig.
“Tumigil kayo!”
“Huwag kayong tumakbo!”
“Bilisan mo!”
Mga sigaw ng mga bantay na humahabol saamin, hanggang sa makalabas kami sa parke at makarating sa gate ng village.
“Magingat ka,” saad ni Adrian sa akin kasabay ng pag ikot namin sa isang bahay tungo sa isang daanan.
Hinihingal na tumawa ako, ngayon ko nalang din naranasan ang tumakbo ng ganoong kalayo na may kasama.
Hanggang sa mapahinto kamisa pag takbo ng matalisod ako.
“T-teka,” habol ang hiningang saad ko.
Paglingon ko sa kaniya ay naghahabol din ito ng hangin, peru nakangiting nakatingin saakin. Napanguso ako.
“P-para tayong magnanakaw na hinahabol ng mga pulis,” humihingal, peru tumatawang saad ko.
Ngumisi ito at tumingin sa likod namin ng may 'di mapanatiling ilaw.
Napatingin ako sa kaniya peru nakangiti lang itong tumingin saakin.
“Tara?” saad nito na nakangiti ko namang tinanguan.
“Ayon sila!” kasabay na sigaw noon ang pagtakbo ulit namin.
“Tumigil kayo!”
“T-tigil!
Sigaw ng mga ito. Gusto nilang tumigil kami ngunit salungat ang ginawa namin. Tumakbo kami ng tumakbo hanggang sa dumaan kami sa isang tila mini forest, napakaganda. Ang tataas ng puno at mayabong ang mga dahon nito.
May lugar palang gaya nito sa village na kiaroroonan ng bahay nila Atticus? Naitanong ko sa sarili habang tumatakbo.
Lumiko kami sa tila eskinitang daan, at nag tago sa isang malaking square pot na nakahilira sa tabi ng kanal.
YOU ARE READING
MU SERIES #1: Crush'n You
Teen FictionThe stubborn, adorable Eliana Lofranco approaches the crafty top student Atticus Montenegro on purpose. Throughout their "opportunistic" friendship, feelings bloom between two as they are always there for each other. Not only do they make friends, b...