°°°
Miss BirbalsinghNabuhayan naman ako sa narinig. 'Sa wakas!' sigaw ng utak ko. Ibinaba ko ang nangangalay na braso at ang paa ko.
"And," para naman akong ibinalik sa pagkaka parusa ng matinig ang boses ni Atticus. Gusto kong umiyak dahil alam ko na ang nais nito.
Alam kong mag dadagdag na naman ito ng mga di-pangkaraniwang gawain para sa dare na nais ko.
"Alam kong hindi mo pa to alam, kaya ipapaalam ko sayo. Si Sir Hernandez ay nagsusuot ng wig." kahit na na wiwindang sa nalaman ay alam kung isa na iyon sa ipapagawa niya, kaya ngayon palang nais ko ng humingi ng tawad sa inosenteng maestro na iyon.
Alam ko kasi kahit na hindi pa man nito iyon sabihin. Alam ko ng parte ng ipapagawa niya iyon kaya niya sinasabi.
At mas lalo siyang kinakabahan kapag iniisip niya na maaaring tama ang nasa isip niya.
"A-ano ngayon?" kinakabahang tanong ko. Peru mas lalo payatang kumabog ang dibdib ko ng nakaka lokong ngumiti ito saakin at naglakad papasok sa classroom.
Naiwan akong nakatayo. Nagi-isip at kinakabahan.
Kinabukasan maaga akong pumasok para isagawa ang plano. Kagabi ko pa ito inisip at seryoso na akong gawin iyon.
Gagawin ko iyon at papatunayon ko sa kaniyang kahit anong hirap pa ang ilatag niya sa harap ko magagawa at gagawin ko lahat para maging kaibigan lang siya. Para mapalapit lang sa kaniya.
At hindi nga ako nabigo ng makuha ko ang atensiyon ng mga kagaya kong estudyante.
Sinimulan ko ng putulin ang lubid ng mga lobo ng makitang papalapit na si Atticus.
Nakita ko ring nag kumpulan ang mga estudyante sa second floor habang pinapanuod iyon.
"Ang ganda."
"Para akong nasa ibang bansa!"
"May nag sho-shoting ba dito sa MU?"
Iilang na dinig kong komento. Napangiti naman ako ng makita si Atticus. Natigil ito sa paglalakad habang tumitingin sa itaas. Tinitignan ang mga lobong lumilipad habang may iba't ibang kulay ng plastic stars na naka tali sa bawat lubid niyon.
Tila hindi ito makapaniwala ng tumingin saakin.
Para namang may nabuong pictures sa isip niya kung saan may tatlong lata at natumba ang isa.
Mapangiti siya sa naisip, peru ang isiping may dalawa pa ay nawala ang ngiti sa labi niya at nakagat ito.
Kailangan niya muling hintayin ang hapon para sa pangalawang challenge sa kaniya ni Atticus.
"Ano ang ginagawa niyo? Ba't nandidito kayo, imbis na kumain dahil recess?" malakas na saad ng boses babae sa second floor kaya kahit na first floor ay narinig niya ang sinabi nito.
At kahit hindi pa niya nakikita, alam niyang si Miss Balthazar ang nasa likod ng boses na iyon. Kaya biglang simikdo ang puso niya sa kaba. Paano kapag napagalitan siya dahil sa ginawa?
Nawatak ang kaninang kumpulan dahil sa boses na iyon. Nag si takbuhan ang iba naman ay parang wang nakita at narinig dahil sa sawabeng paglalakad ng mga ito, kagaya nalang ni Atticus.
YOU ARE READING
MU SERIES #1: Crush'n You
Teen FictionThe stubborn, adorable Eliana Lofranco approaches the crafty top student Atticus Montenegro on purpose. Throughout their "opportunistic" friendship, feelings bloom between two as they are always there for each other. Not only do they make friends, b...