KABANATA 13: BRIEF UPDATE

80 45 6
                                    

°°°
Takoyaki




    “Atticus!” pagtawag ko sa kaniya ng maabutan ko siyang nag lalakad sa corregidor ng MU.

    Hindi ito lumingon sa akin ng tawagin ko ito kaya binilisan ko ang pag takbo ko.

    Ng nasa gilid na niya ako ay huminto ako at sinabayan siya sa pag lalakad. Walang ingay, walang gustong mag salita sa amin, peru ng hindi ko na makayanan ang katahimikan ay kusa na akong nag salita.  Tumikhim ako.

    “Alam mo? Kanina, hindi ko talaga inaakala na magagawa ko yun,” saad ko at ngumiti.

    Hindi ako tumingin sa kaniya, peru nakita ko kung paano niya ako sinulyapan mula sa gilid ng aking mga mata ng sinabi ko iyon.

    “Nanlalamig ako at pinagpapawisan sa mga sandaling iyon, nanginginig din ang boses ko ng nasa entablado ako kanina,” pag dugtong ko at tumingin sa kaniya. “Napandin mo?”

    Habang naglalakad parin ay lumingon siya saakin, hindi niya ako sinagot bagkus ay tinanong niya ako na sinagot ko naman.

    “Paano nalaman ang mga linya ni Zach?  Iba ang kinabisa mo, hindi ba?”tanong nito saakin. Ngumiti ako.

    “Ah, 'yon. Nakita ko kasi kong paano mahirapan si Zach  kahapon sa pag kakabisa ng mga linya niya, ako ang nag lagay sa kaniya sa posisyon na iyon kaya sabi ko sa sarili ko na kailangan ko siyang tulungan. Kinabisa ko maging ang mga linya niya para magabayan siya kahit sa likod ng entablado kapag nakalimot siya... Hindi ko naman inaasahan na  gan'on ang mangyayari kanina at may silbi ang pagkakabisa ko.” mahabang saad ko.

    Ilang segundo ay hindi ito umimik kaya tumahimik nalang din ako at sinabayan nalang ang bawat pag hakbang niya.

    “Salamat, thank you for what you've done.” mahina nitong saad na kung hindi pa ako tumahimik ay hindi ko maririnig.

    Peru dahil walang ingay sa pagitan naming dalawa ay narinig ko iyon. Ngumisi ako at lumingon dito.

    “Anong sinabi mo?” tanong ko dito. Naghahangad na ulitin nito ang sinabi kahit na nga narinig niya ang binitawang salita nito.

    “You've heard it, I won't repeat my self.” saad nito at nagkakamot sa batok na nag iniwas ang tingin. Napalunok ako.

    “Alam kong  hindi guni-guni ang narinig ko mula sayo. Lalo'ng hindi ako nananaginip ng gising, p-peru ang sinabi mo,” napatigil ang sasabihin ko at napatingin sa kaniya. Ngumiti ako. “Ngayon ko lang narinig mula sayo.” saad ko.

    Nabasag ang boses ko sa huling mga salita na binitawan niya, nag init na din  ang gilid ng kaniyang mga mata.

    “N-ngayon ko lang narinig na nag pasalamat ka saakin, na pinapasalamatan mo ako.” dagdag ko at yumuko. Mabilis at hindi halata na itinaas ko ang mga kamay ko at pinahiran ang gilid ng mga mata ko.  'saka ako muling nag angat ng tingin sa kaniya.

    “Mag kaibigan na ba tayo?” tanong ko at kumunot naman ang noo niya kaya napakagat ako sa labi ko.

    “That's not what I mean.” saad nito at muli na naman sanang maglalakad ng pigilan ko ang braso niya.

    Hindi pa kami mag kaibigan? Peru nag thank you siya! Sigaw ng utak niya. Peru sabagay...

    “S-so dahil sabi mo hindi tayo mag kaibigan, thank you are not enough...” lumunok ako at nag isip ng puwedi nitong gawin. Napakagat nalang ulit siya sa kaniyang labi ng may sumagi sa isip niya.

    Nakangiti niyang nilingon si Atticus, na mas lalong kumunot ang noo sa pinakita niyang reaksiyon. Tumaas ang kanang kilay nito.

    “Bilhan mo ko ng takoyaki.” sabi ko at nauna ng lumakad. Napnsin ko ang pag sunod nito kaya napangiti ako at lumakad takbo papunta sa labas ng MU na may nag bibinta ng iba't ibang pagkain.

    Nagtungo ako sa food stall na may nagbibinta ng takoyaki at umupo sa tapat n'on na may mga lamesa at upuan.

    Dumiritso naman si Atticus sa food stall at bumili.

    Ilang minuto lang ang hinintay ko ng marinig ko na ang pagpapasalamat ng cashier slash may ari na nag papasalamat kay Atticus.

    “Thank you, Sir!”

    Hindi ko na rinig na dumagot si Atticus peru ilang saglit lang ay dumating ito at iniabot sa akin ang maliit na paper plate na may laman na tatlong bilog na takoyaki.

    Ngumiti ako at inabot iyon. “Salamat,” saad ko at timusok ng isang bilog ng takoyaki.

    Tumango lang si Atticus at bumalik sa stall ng takoyaki, may kinuha ito doon at ngumiti naman ang ale sa kaniya ng may siguro ay sinabi ito.

    Nag lakad si Atticus pabalik sa kinauupuan ko dala ang paper plate na mas malaki ang size kumpara sa kaniya. Kumunot ang noo ko at madaling inubos ang nginunguyang takoyaki na nasa bibig ko.

    Napangisi si Atticus ng makita ang ginawa ko, inatras din nito ang upuan nito papalayo sa kaniya. Matalim na tinigna ko siya.

    “Ang daya mo.” saad ko ng malunok ang kinakaing takoyaki.

    “Why?” pa-inosenteng tanong nito at sumubo ng isang buong bilog na takoyaki.

    “Bakit lima sayo, at tatlo lang ang akin?” parang batang tanong ko na ngumuso pa.

    Umiling ito at nilunok ang nginunguya at muli na namang kumain ng isang buong bilog.

    “Wala kang sinabi kong ilan ang ipabibili mo, at isa pa ako naman ang nag bayad.” saad nito at walang paki na tumayo.

    Ngumuso ako at napa-padyak nalang ng paa sa sahig na tintapakan.

    
Note: This story are ongoing and not edited.

MU SERIES #1: Crush'n YouWhere stories live. Discover now