KABANATA 05

154 109 4
                                    

°°°
Apology

'Akala ba niya madali lang ang pinapagawa niya? Ang hirap kaya nito.'

"And you two have to write an apology letter at basahin niyo 'yon sa harap ng marami, maliwanag?" napatango nalang kami sa dagdag na ipapagawa nito saamin.

Napalabi naman ako ng makita mula sa gilid ng aking mga mata ang pagalis nito. Napahugot ako ng malalim na hininga at dahandahan iyong pinakawalan at tumingin kang Atticus na seryoso at tuwid lang ang tingin. Mukhang ang pagkurap lang nito ang movements na nakikita ko.

Napatikhim tuloy ako para maagaw ang atensiyon niya.

"Ah, andaming blessings na dumarating satin no?" bigla kong saad.

At ng ma realize ang sinabi ay nahihiyang napayuko ako.

Iwan ko ba kung bakit iyon din ang sinabi ko ang sarap batukan tuloy ng sarili ko, alam ko naman na sarcastic iyon sa pandinig niya at ganun din naman ang nararamdaman ko.

'Ang tanga mo sis.' kagat labing saad ko sa utak.

"Malas kamo," nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Akala ko hindi na to sasagot e.

Natahimik tuloy ako. Natahik kaming pareho mga ilang minuto peru nagsalita rin ako.

"Alam mo ba na mahirap ang pinagawa mo, peru nakaya kung gawin. At, pasado naman ang ginawa ko diba?" kahit alam kung puwedi na ang ginawa ko alam kong hindi parin iyon sapat hanggang hindi ko narinig ang mga salitang iyon na nanggaling mismo sa kaniya.

"Anong tingin mo?" peru bagkus na sagutin ang tanong ko ay tinanong niya ako.

Ano nga ba. Na pumasa ako sa lahat ng pinagawa niya? Na pasado ako?

Napalunok ako bago magasalita. Hinahanap ang tamang sasabihin sa tanong nito.

"Tingin ko?" mahinang saad ko at tumitig sa kaniya. "Na puwedi na tayong maging kaibigan?" hindi siguradong saad ko.

"Alam mo ba na simula ng lumipat ka dito, mukhang parati na akong sinusundan ng malas." hindi tumitinging saad nito. Na guilty naman ako sa sinabi niya. "Dalawang bisis narin akong naparusahan dahil sayo kaya saihin mo saakin hindi pa ba problema ang dala mo sa buhay ko?"

Napayuko ako. Hindi ko naman yin sinasadya.

"Pangako, hindi na mangyayari 'yon." mahinang saad ko. "Imposible naman na mangyari pa ulit ito diba? 'saka nga pala, yung pinapasulat saatin na apology letter, gusto mo ako na gumawa para sayo?" naka tiim labing saad ko.

"Sure, thank you." walang pagdadalawang isip na saad nito.

Akala ko pa naman ay aayaw ito. At sasabihin h'wag na. Kaya ko naman. Peru sira lang ba ako para paniwalaan iyon?

Napatawa ako ng pagak. "Welcome. Hehe." naisagot ko nalang.

Recess ng matapos ang parusa saamin. Nagsilabasan ang mga estudyante sa mga silid nila at ganun rin ang mga kaklase namin. Pumasok naman kami ni Atticus.

Ilang minuto ng maupo kami ay siya namang pagpasok ni Zach at Pilar na naguunahan papalapit saamin

"Icus!" tawag ni Zach sa nakayukong katabi ko. Nagtaas naman ito ng tingin kang Zach.

MU SERIES #1: Crush'n YouWhere stories live. Discover now