KABANATA 04

162 115 3
                                    

°°°
Passed


"Si Sir Hernandez kasi. May alam ka ba sa kaniya? Like sa personal niyang buhay? Kung anong mga gusto niya?"

"Ah." Tatango tangong saad nito at isinubo ang quail egg. "Madaling magalit. Strikto... Ano pa ba? Ah! He is Miss Birbalsingh ng MU." saad nito. Muli akong napalunok.

"Miss Birbalsingh ng MU?" napatango naman ito habang kumakain. "Paano ba matanggal ang wig ng isang Miss Birbalsingh ng MU?" mahina at inosenteng tanong ko.

Napahinto naman ito sa pagkain at gulat na napatingin sa akin.

"Ano?" manghang saad nito. Pilit naman akong napangiti.

Sinabi ko sa kaniya ang napagusapan namin ni Atticus at ang mga challenge na pinagawa saakin nito. Hindi naman makapaniwala si Pilar na ang pang huling challenge sa kaniya ay ang tanggalan ng wig si Sir Hernandez.

Alam kong ngayon kulang si Pilar naka usap. Peru magaan naman ang pakiramdam ko sa kaniya kaya alam kung wala siyang pagsasabihan sa sinabi ko. Sana.

Napatikhim naman si Pilar at nag palinga linga.

"So, ayaw ni Atticus magkipagkaibigan sayo, kaya kaniya pinagawa ng delikado at imposibleng bagay?" inilapit pa nito ang mukha ng sabihin iyon.

Napatango naman ako. "Gano'n na nga."

"He is not verbally saying, peru gusto ka niyang mapaalis dito sa MU." mahinang saad nito.

Natahimik kaming dalawa. Alam ko namang wala dapat siyang ipag alala peru kasi wala akong magawa para mabawasan man lang ng kunti ang kaba ko.

Nang matapos kaming kumain ay sabay na kaming bumalik sa classroom namin.

"Good afternoon, class!" saad ni Miss Balthazar pagkapasok sa classroom.

Bumati naman kami pabalik.

"So nandito ako hindi para mag turo. Gusto kung sabihin na may darating ang head supervisor ng MU para mag inspection ng kalinisan. Kaya ang gagawin natin ay maglilinis ng nakalang area saatin, naiintindihan niyo?" saad ni Miss Balthazar.

"Yes, Miss." sabay sabay naman na sagot namin.

At kagaya nga ng sabi ni Miss Balthazar, hindi kami nag klase para sa subject niya at pinaglinis lang kami ng hallway, stairs at ng mga windows.

Halos lahat ng mga estudyante ay nakikita kung naglinis hindi lang kami. At habang inilalagay ang walis sa lagayan ay naisipan kung puntahan si Atticus na ngayon ay naglilinis sa hallway. May hak itong mop at yun ang ginamit pangkuskus sa dumi ng side na nilinisan niya.

"Atticus!" bigla kung tawag sa kaniya pagkalapit.

Huminto naman ito at salit akong tinignan bago ipinagpatuloy ang pag ma mop. "Ano na naman?" saad nito.

"Eh kasi. Tungkol sa pangatlong challenge, pwedi mo pang palitan nalang yun?" pag babakasakaling tanong ko.

Napatingin naman iyo saakin. "Bakit? 'Di mo kaya?"

"Hindi naman sa hindi ko kaya. Peru kase, ayaw kulang. Hindi ko gusto." nagpapa awang saad ko.

"Ibig sabihin lang niyan, suko kana?" tatango tangong saad nito.

MU SERIES #1: Crush'n YouWhere stories live. Discover now