°°°
BikePagkabalik ko sa kuwarto ay matamlay akong naupo sa kama ko. Parang lasing na kinuha ko ang teady bear sa kama at ipinasa ere ito.
"Little Brother." mangiyak ngiyak na tawag niya sa teady bear.
"Unang araw na unang araw sinira ko lang. Sorry Little Brother." pag hingi ko ng paumanhin sa walang muwang at malay na laruan.
Nagbuntong hininga ako.
"Na late siya. Napagalitan sa school. Napagawa ng apology letter. Dahil sakin." matamlay na saad ko at ibinagsak pahiga ang likod sa kama. "Ahhhh, sira kana talaga Eli!" dagdag pa niya at mangiyak ngiyak na ipinikit ang mga mata. "Paano kayo mag kasundo ngayon niyan?" napatagilid siya ng higa habang 'yon parin ang iniisip.
Hanggang sa ilang saglit ay nakatulog na siya.
Nang magising siya ay dumiritso na siya sa banyo. Alam niyang hindi na papasok doon si Atticus dahil tapos na ito maligo kanina.Bumaba rin siya ng matapos, nagtungo siya sa kusina at doon naabotan niya si Tita Athena. Naghahanda ng pagkain.
"Good morning Tita!" bati niya dito ng tuluyan ngang makapasok sa loob ng kusina.
Nag angat ito ng tingin sa akin at ngumiti.
"Good morning din sayo hija. Ang aga mong nagising, maayos kabang nakatulog kagabi?" tanong nito.
Napakagat ako ng labi ng maisip ang nangyari kanina.
"Tita. May narinig ka po ba na kakaibang tunog?" imbes na sagutin ang tanong nito ay tanong ko.
Napakunit ang noo nitong nakatingin saakin, mayamaya lang rin ay umiling.
"Wala naman." sagot nito. Napabuntong ako sa sagot nito. "Mahimbing ang tulog ko kagabi " dagdag nito at ibinalik ang atensiyon sa ginagawa.
Napatango tango naman ako.
"By the way, hindi mo pa nasagot ang tanong ko. Nakatulog ka ba kagabi? kasi kagabi may nag aaway daw na mag asawa. Hindi ka ba naalimpungotan sa ingay?" nag aalalang tanong ni Tita.
Ngumiti naman ako. "Hindi po. Kagaya niyo po, mahimbing po ang tulog ko kagabi." tugon ko.
Oo. Mahimbing naman talaga ang tulog ko kagabi, kung hindi lang ako nauhaw. Napanguso ako sa naisip.
"O, ito. Kainin mo muna." saad ni Tita sabay abot saakin ng platong may laman ng nilagang itlog at tinapay.
Tinanggap ko naman iyon.
"Salamat po Tita." pagpapasalamt ko.
"You're welcome, hija. May gatas na din sa lamesa." napatango ako at nag lakad na patungo sa lamesa.
Kumuha ako ng baso at nag salin ng gatas. Umupo ako sa silyang inupuan ko kahapon at nag simula ng kumain.
"Atticus!? Nandiyan ka ba sa loob? Bilisan mo na at kakain na!" sigaw ko habang kinakatok ang pinto ng banyo.
YOU ARE READING
MU SERIES #1: Crush'n You
Teen FictionThe stubborn, adorable Eliana Lofranco approaches the crafty top student Atticus Montenegro on purpose. Throughout their "opportunistic" friendship, feelings bloom between two as they are always there for each other. Not only do they make friends, b...