Tahimik kong inubos ang kwek kwek ko, ganon din sya halos sabay lang namin tinapon ang basura namin sa basurahan.
Binuksan ko ulit ang payong ko at excited na umuwi dahil hindi ko na kaya ang awkwardness namin ni ian. Nauna syang nag lakad sakin at nasa likod nya lang ang ako, nahuhuli ng ilang hakbang.
Nakaramdam naman ako ng awa nang makita kong wala syang payong, sobrang tirik na tirik ang araw at pawis na pawis din sya. Yan tamad mag dala ng payong. Nag lalakad din sya pauwi, kaya hinayaan ko nalang ang naaawa side ko na gumalaw.
"Init init wala kang payong. Oh share tayo" Medyo malakas na sabi ko sakanya, binilisan ko pa ang lakad ko para maka tabi sya sa pag lakad nya.
"Ha? Oh, thank you" Tumango ako bilang sagot at inabot sakanya yung payong. Kailangan ko pa sya taasan ng kilay bago nya naintindihan at kinuha para sya ang mag payong samin. Sya matangkad eh, sya mag hawak.
Hindi ko alam kung mag sisisi ba ako o umiyak nalang sa awkwardness namin ni ian habang nag lalakad. Sabi ko pa kanina sa sarili ko, okay lang yan mag kapit bahay lang naman kayo, mabilis agad kayo makakauwi.
Pero sana hinayaan ko nalang syang masunog ang maputi nyang balat sa tirik na araw kung ang awkward nya naman kasama! Wala bang topic dyan be, iwan kita dyan e. Hindi naman kami ganto ka awkward dati, kung tutuusin bff kami neto eh. Nag reminisce pa nga.
"No-nominate sana kita kanina sa Election eh" Syempre nag sinungaling ako. Para lang may mapag usapan kami habang nag lalakad. Wala naman akong choice kase mukang wala talaga syang balak mag open ng kahit anong topic. Kahit ano, kahit about pa yan sa mag asawang kapitbahay naming sigawan nang sigawan kahit tirik ang araw nung sabado ng umaga, sige bet. Charot.
"Ha ako? Hard pass, kastress na nga mag aral mag o-officer pa" Kumontra pa sya sakin. Tumawa nalang ako at may kasama pang pag hampas sa balikat nya na hindi ko naman sinasadya. Hala force of habit.
Agad kong nilayo yung kamay ko sakanya at umarteng parang walang nangyari. Gagi hindi ko talaga sinasadya, baka isipin nya feeling close ako ah, force of habit lang yon. Sya kasi eh. "Hahah by the way, bakit hindi na pumupunta samin si kian? Araw araw kasi sa bahay, nasanay akong may kumukulit samin."
Sinubukan ko pang ibahin yung topic at nag tanong kay ian tungkol sa bunso nyang kapatid. Ilang araw na kasing hindi pumupunta si kian sa bahay namin, pati mga aso ko hinahanap na yung batang englishero na yon eh.
"Grounded sya. Binasag nya kasi cellphone ni mommy habang may kaaway sya sa roblox" Natawa pa sya habang nag kikwento bakit bawal lumabas si kian. Kaya naman pala.
"Ahh namana sayo yung anger issues" Sabi ko at na may kasama pang asar. Totoo naman, naaalala ko tuloy dati nasira nya yung keyboard ng computer nila sa sobrang inis at galit sakin kasi pinapasabog ko lagi yung bahay nya sa Minecraft. Ilang araw din bago nya ko pansinin non.
"Grabe ka naman" Pinanlakihan nya pa ko ng mata bago umiwas at tumawa ng mahina. "Gusto mo pumunta sa bahay?" Nagulat naman akong lumingon sakanya, mukang sya ay nagulat din sa sinabi nya. Halaa mabubuild na ba ulit ang friendship namin?!
YOU ARE READING
Traces Of The String (Red String Series #1)
RomanceThey're Best of Friends. They grew up together. He loves her as much as how she loves their years of Friendship. She hates Friends to Lovers as much as how he hates to pretend. What will happen if she found out the love of a friend she value the mos...