Chapter 7

8 0 0
                                    



"Penge penge" Maingay na sinusubukang abutin ni yia ang kikyam na hawak ni ian na nilalayo naman nito.

"Bumili ka na nga lang! Nabubuwisit ako sa'yo" Naiiritang inabutan ni ian ng sampung piso si yia na tumatawang nag bayad sa manong para makatusok na sya ng kikyam.

"Ahh" Sumenyas si Aeden bago itaas nito ang kamay na may hawak na stick ng fishball at sinubo iyon sa nag aantay na si Sean.

Kumagat naman ako ng kwek kwek na nasa kaliwang kamay ko habang pinapanood ang nag susubuang lalaki. Nakita naman ako ni sean na nakatingin kaya ngumuya sya na may halong pang aasar na parang sinasabi sakin ay 'inggit ka 'no?'

Umiwas nalang ako ng tingin at bumili ng limang pisong palamig pang tulak. Nakita ko naman na ngumiwi si yia habang pinapanood din ang dalawa na nag lalampungan.

"Jusko umalis nalang kayo kung mag lalandian lang din naman kayo dito" Reklamo ni yia at naiinis pang hinila ang bag ni aeden sa likod kaya napa atras naman ito pero agad ding hinila ni Sean ang pulso para hindi tuluyang bumagsak.

"Pag inggit pikit Yiana" Asar ni sean kay yia na may kasama pang panlalaki ng mata habang si aeden naman ay pabirong mahinang hinatak ang buhok ni yia pang ganti.

"Bully kayo tangina nyo ah" Tinaas ni yia ang middle finger nya sa harap ng dalawang matatangkad na lalaki na kasalukuyang tinatawanan sya ngayon.

"Kagatin mo nga, doggie" Humawak si yia sa uniform ni ian at tinuro ang dalawa pero mahina lang syang pinalo ni ian sa ibabaw ng ulo.

"Pinag tutulungan nyoko! Mga bitch, friendship over!" Pinag krus pa nito ang braso at nag tago sa gilid ko.

Tinawanan lang sya ng tatlo, lalong lalo na ni Sean na pinag titinginan ng dumadaang estudyante dahil sa oa na tawa nya. Pero tumahimik din dahil sinamaan sya ng tingin ni aeden.

Uwian na ngayon kaya madami ang dumadaan na estudyante sa harap namin. Habang kami ay nandito sa harap ng nag titinda ng street foods, sabay sabay na uuwi dahil nandito si Sean para ihatid kami. Ang boyfriend ni Aeden na taga Laguna at ang lalaking nahuli ko din noon kasama si aeden sa tagong lugar. Once a week syang pumupunta dito dahil medyo malayo talaga ang laguna sa lugar namin, medyo ayos lang din dahil may kotse sya at student license kaya sabay sabay kaming apat na umuuwi para mahatid na din nya kami.

Mas nakakatanda sya samin ni yia ng dalawang taon at isang taon naman kina aeden at ian pero kung kumilos ay talo pa ang grade 2 sa kakulitan.




"Yiana Subukan mo lang talaga dumihan ang kotse ko, mukha mo ang panlilinis ko" Binantaan nya si yia na dinala ang kinakain sa loob ng passenger seat ng kotse ni Sean. Nasa likod kaming tatlo, nasa gitna ako habang si Aeden ay nasa harap katabi ng jowa nyang si Sean na driver namin.

"Oo na kaya pwede bang bilisan mo na mag drive? Daming say eh" Maarte nitong sabi kaya binato sya ni Sean ng maliit na plastic bottle na walang laman pero sa ibang direksyon nya naman nabato at natamaan ang mukha ni ian na ikitawa ng malakas ni yia.

"Bobo mag bato ampota" Natawa nalang din ako ng malakas kasama si aeden dahil nakakatawa ang malakas na tawa ni yia.

"Damayan?!" Agad gumanti si ian at binato pabalik kay sean ang bote.

"Yiana kasi eh!" Reklamo nito bago ipaandar ang kotse nya.

Puro away lang naman ni ian, sean at yia ang naririnig sa loob ng kotse dahil kaming dalawa ni aeden ay nasa phone, kachat ang isa't isa at pinag uusapan ang kanina pa namin jinajudge sa room.




Traces Of The String (Red String Series #1)Where stories live. Discover now