"No No No" napahilamos ako ng mukha kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko.
It can't be gone right? I can still find it.
I looked around, thinking of the places that i've been earlier. Tinanggal ko ang hawak ni Ian sa siko ko at mabilis na naglakad papunta sa kinatatayuan ko kanina kung san nakasalubong ko si Sean. Hindi ko na napansin na nahulog na ang twalya mula sa braso ko.
"Hey it's cold." Nilapitan ako ni Ian habang hawak ang twalya g dinampot nya na nahulog ko habang ako ay sinusubukang silipin ang bawat sulok.
"Ian, My bracelet! Ayokong mawala 'yon" i said in panic.
Napamura ako nung wala akong nakitang Silver na Bracelet, napatingin ako sa hinintuan namin kanina ni Aeden na malapit sa gate. Mabilis akong nag lakad papunta doon.
"Mentina." Narinig ko ang tawag sakin ni Ian pero hindi ko siya pinansin. Tinignan ko ang lugar na iyon pero wala pa din.
Hindi ko pinansin ang mga tawag ni Ian sa pangalan ko. Pinuntahan ko ang lahat ng nadaanan ko, pati sa kotse pero wala talaga.
"Fuck." Napakagat ako ng ibabang labi ko, mag aala-una na pero hindi ko pa din mahanap. Feeling ko iiyak na 'ko.
"Mentina, it's cold please. Basa ka na nga, pawis na pawis ka pa. I'll find it for you." Napatingala ako sa harap ko, nag aalala ang itsura ni Ian. Hawak hawak nya pa din ang towel na kanina nya pang pinipilit maipunas sakin pero hindi ko naman siya pinapansin.
Naramdaman ko ang pag muo ng luha ko. Napa hawak ako sa dulo ng damit nya at napayuko. "Gago ang O.A ko ba? Bracelet lang, umiiyak na 'ko. Hindi pa kita pinapansin."
"Shh. It's okay. It's sentimental for you."
Tama ang sinabi nya. Halos nasakin na ang bracelet na 'yan simula bata ako. Hindi ako komportable na wala sakin ito, kahit hindi ko alam kung saan ito nang galing. Hindi ito ang unang beses na nawala. At hindi din unang beses na umiyak ako dahil wala sakin ang bracelet.
Hindi ko alam pero hindi ko kayang tanggapin nalang na wala na ito. Siguro dahil sa sobrang tagal na sakin, hindi ko na kayang mawala pa.
"I can't lose it." Nanginig ang boses ko. Naramdaman ko nalang na binalot na sakin ni Ian ang twalya at inupo ako sa isang upuan.
"I'll be back, i promise." Nanatili akong nakayuko, kahit nag tataka ay hindi ako nag salita. Napa pikit nalang ako ng mata nung maramdaman kong wala na siya sa harap ko.
Hindi ko alam kung san nag punta si Ian, nasa loob ba siya o ano. Dahil mag wa-1:30 na ay wala pa din siya.
Hindi ako mapakali kakaisip habang naka upo. Pano ko hindi napansin na wala na sa pulso ko ang bracelet? Saan ko ba ito nawala? Halos nalibot ko na ang buong lugar pero hindi ko pa din mahanap, maliwanag naman dahil madaming ilaw.
Dahil sa hindi mapakaling iniisip ay hindi ko napigilang mag hanap ulit. It didn't matter if natignan ko na ang sulok kanina, tinitignan ko pa din. Sinubukan kong silipin ang pool pero hindi ko makita ang ilalim dahil nalilito ako sa mga papalit palit na kulay ng ilaw sa ilalim ng tubig.
Nanginginig na 'ko sa lamig ng hangin, hindi pa din ako tuyo sa pag sswimming ko kanina pero hindi iyon naging hadlang sakin para hindi ko lubugin muli ang sarili sa tubig. Sinubukan ko pang dimulat sa ilalim ng tubig pero humahapdi lang ang mata ko.
YOU ARE READING
Traces Of The String (Red String Series #1)
RomansaThey're Best of Friends. They grew up together. He loves her as much as how she loves their years of Friendship. She hates Friends to Lovers as much as how he hates to pretend. What will happen if she found out the love of a friend she value the mos...