"Para kasing tanga mag shoot, ano ka bulag?" Yia said habang nakikipag agawan pa ng bola kay Sean.
"Naka harang ka kase!" Sinubukan naman tulakin ng matangkad na lalaki ang maliit na katawan ni yia.
"Reasons" Pang aasar nito habang nag babasketball silang dalawa sa iisang basket habang ang katabi ay sina Aeden at Ian na nag babasketball din. Nasa likod lang nila ako at kumukuha ng litrato pang myday.
"Paubos na tokens natin" Pinakita ko pa sakanila ang maliit na bag kung san nakalagay ang anim na token na kanina ay puno pa.
"Edi bumili ulit" tinignan ko naman ng masama si Sean. Masyado na kaming magastos para lang sa tokens. Tama na.
"Wag na, ang dami nyo nang tickets na nakukuha oh" turo ko sa napaka daming tickets na nakuha namin kakalaro sa arcade. May nag bibigay kasi ng prize sa counter kapalit ng mga ticket na 'to.
Pinag titinginan na nga iyon ng mga bata, mga naiinggit dahil ang dami talaga. Ang galing kasi si Yia sa mga games.
"Gutom na ko!" Naupo naman si Aeden sa bakantang upuan sa tabi ko.
"Oh tara na, gutom na baby ko" umarte namang nasusuka si yia sa sinabi ni Sean.
"Ipapalit muna natin 'tong mga tickets" suggest ni ian kaya napatango nalang kami at sabay sabay nag punta sa counter habang tinitignan pa ang mga prizes na nakasabit.
Pinabilang muna ng staff iyon sa isang machine at ang sabi, dalawang prize daw ang pwedeng maipalit gamit ang mga tickets na 'to. Napatingin naman ako sa isang pink na teddy bear na may magandang mata, napa cute nya at human size pa! Pero agad din akong umiwas nang makita ko ang presyo nito na masyadong mahal at sakto lang sa ticket namin.
"Wala akong gusto" Sabi ni yia habang nakatingala pa din sa mga prizes.
"Ako din" Pag sang-ayon ni Aeden kay yia.
"Labas muna ako, tignan ko kung san tayo pwede kumain" paalam ko bago sila iniwan na nag de-desisyon kung ano ang ibibili.
Habang hawak hawak ang stuff toy na nakuha sakin ni ian ay sinilip ko ang mga kainan sa mall. Mauuwi lang siguro kami sa Jollibee nito.
Nag lakad lakad ako ng kaunti bago naisipang bumalik na, mag food court nalang.
Nanlaki naman ang mata ko nung makita ko ang mga kaibigan ko na papalabas ng arcade. Pinagtitinginan sila ng mga tao dahil may dala dala silang human size teddy bear na pink!
"Hoy siraulo kayo bakit ayan yung pinili nyo?!" Nahihiya pa kong nag lakad papalapit sakanila pero pag kalapit ko ay tinulak lang ni yia ang malaking stuff toy sakin kaya napayakap ako dito.
"Gift ni lover boy" tumaas ang gilid ng labi ni Sean sakin bago tuloy tuloy na naglakad ang tatlo at napa tingin naman ako kay ian na nakangiting pinag mamasdan akong yakap yakap ang stuff toy na halos kasing tangkad ko!
"What the heck? Ikaw pumili?!" Sabi ko at sinubukang hawakan ang teddy bear sa isang braso pero hindi ko kaya dahil masyadong malapad tapos hawak hawak ko din sa kabilang kamay ang berdeng stuff toy na bigay nya sakin.
YOU ARE READING
Traces Of The String (Red String Series #1)
RomanceThey're Best of Friends. They grew up together. He loves her as much as how she loves their years of Friendship. She hates Friends to Lovers as much as how he hates to pretend. What will happen if she found out the love of a friend she value the mos...