"Girl, okay ka lang? Ang lungkot mo naman tignan" Naka halumbaba pa si Irish sa palad nya habang naka tingin sakin. Kaming dalawa ni irish ang natira sa naming naka paikot na silya dahil ang tatlo pa naming kaibigan ay bumili ng makakain namin sa canteen.
"Okay lang, hindi lang mawala sa isip ko yung nangyari kanina sa mini forest" Tinukoy ko yung nangyaring pag amin sakin ni rayci ng nararamdan. Nagkagusto na pala sya sakin nung mag kagrupo pa kami sa Group project naming Atomos.
"Why? Nacicringe ka?" Irish chuckled, i couldn't almost hear what she said because of how tiny and soothing her voice is. Napa nguso naman ako at umiling. Hindi naman sa ganon.
"Di ah... Nanghihinayang lang, kaibigan ko yon eh" Sayang friendship, umamin pa kasi eh. Chos.
"Bawal ba ulit maging friends kahit finriend zone mo na?" Ramdam ko naman ang ngiti nya kahit natatakpan ng facemask at makapal na salamin nya ang mukha nya.
"I mean ano... Hindi na kasi mababalik sa dati, awkward na" tumango tumango pa sya sa sinabi ko na parang narealize naman nya ang point ko.
"Ayaw mo talaga sa friends to lovers? Hindi ba dapat maging friends muna kayo to get to know each other aside from courting? Against ka don?" Lumobo ang pisngi ko sa curious na tanong sakin ni irish.
"Hindi naman, hindi ako 'totally' against sa friends to lovers kasi gaya ng sabi mo, it's also getting to know stage. What i mean is yung sobrang close nyo ng kaibigan nyo, you can almost call it best friends pero may pag tingin pala sayo. Ayon ang ayoko, nanghihinayang ako masyado sa pinag samahan" Seryosong seryoso pa ko sa sinabi ko.
Kasi naman, sino ba may gusto ng nag confess ang best friend mo kahit wala ka namang feelings para sakanya edi walang napala, rejected, na friend zone, awkward, back to square one. Unless if you also like them back edi sige, goodluck.
"Pag ikaw nakarma at nainlove sa bff mo ha" Binantaan nya pa ko habang tumatawa kaya sinabayan ko sya. Hindi mangyayari yon.
"May kutsilyo kami sa bahay, at gusto kong gamitin mo yon sakin pag nainlove man ako sa isang matalik na kaibigan" Pabiro ko pa syang inirapan bago umingay ulit ang pabilog na silya namin dahil dumating na ang tatlo na bumili ng mamon at sinabing ito daw muna ang birthday cake ko.
Tinakpan ko nalang ang tenga ko dahil kumakanta nanaman sina Sopia, Janella at Kisha ng pang limang happy birthday song nila..
Mainlove sa kaibigan. Hard pass hahahah. Never.
"Po?!" Napahilamos ako ng muka habang kausap si mama sa cellphone. Sabi nya kasi ay nasa resort na silang lahat. habang ako nasa school at pauwi palang. Hala hindi ako alam san at hindi ako marunong mag jeep mag isa!
"Malapit lang naman ang resort na 'to nak. Isang sakay lang, mag sabay nalang daw kamo kayo ni ian papunta dito. Alam nya ang sasakyan" Halos lumuwa ang mata ko sa sinabi ni mama. Hala nung monday pa huli naming usap non eh, awkward nanaman!
YOU ARE READING
Traces Of The String (Red String Series #1)
RomanceThey're Best of Friends. They grew up together. He loves her as much as how she loves their years of Friendship. She hates Friends to Lovers as much as how he hates to pretend. What will happen if she found out the love of a friend she value the mos...