Chapter 15

8 0 0
                                    


"Sige lang, 'nak. Kahit don ka pa tumira" napa nguso naman ako sa sinabi ni mama.


Habang tulog kasi si Ian ay umuwi ako dahil nakarating na si mama galing palengke. Nag paalam ako na sa condo ulit ako ni Ian mag oovernight hanggang lunes.

"Musta si Ate?" Tanong ko habang naka upo kami sa sofa.



"Ayun! Trabaho nalang nang trabaho, ayaw na ata mag asawa! Naku" napa facepalm naman ang mama ko.




Ganyan yan sila. Parang dati ay ayaw nila na mag boyfriend si ate, ngayon ay nag hahanap na sila ng asawa para sakanya!



"Wag nyo kase pressure, ma" payo ko.


"Masama ba humiling ng apo?" Umiling iling pa ito.



Ako ma... Gusto ko din ng anak pero tsaka na... Pag may asawa na 'kong gwapong long hair na may stable job hahahah.



"Te, hanap ka ng shota mo" pareho kaming napaharap ni mama sa pinto nung biglang lumitaw si Kian.



"Ha? Wala akong shota—"



"Si kuya, hanap ka ni kuya." His lips formed into a smirk.



"Batang 'to" aambahan ko sana itong babatuhin pero agad siyang tumakbo paalis.



"Alis na 'ko ma. Gising na si Ian, balik na kami condo." I kissed her cheeks.



"Ingat!" Paalam nito sakin bago ako lumabas ng bahay.



Habang nag lalakad papunta ng bahay nila ay napatingala naman ako sa bintana ng kwarto ni Ian. Nandon siya, naka halumbaba at pinapanood ako. Halatang bagong gising.



Pabiro ko siyang tinaasan ng kilay bago pumasok ng bahay nila. Nung makarating ako sa kwarto nya ay naabutan ko siya don na naka hilata na sa kama.


"Hindi pa tayo babalik?" I asked him.



"Maya maya" sagot nito at humikab pa.


"Matulog ka ulit"


"Hindi na" sabi nito kahit halatang inaantok pa siya.



Tinanguan ko naman siya at nahiga nalang sa bandang paahan nya habang nag cecellphone.


It was around 9pm na nung nakarating kami sa condo dahil napatagal kami sakanila unexpectedly. Pag dating naman sa condo ay humilata agad ako sa kama.



"You won't eat dinner?" Tumingin ako sa pintuan at tinignan si Ian na nakasandal doon.



"Busog ako" madami kasing pinakain si Mommy Liliane sakin kanina.



" Hmm okay. Goodnight" he closed the door.





Ganoon lumipas ang ilang araw, pag dating ng Thursday ay manonood na kami ng UAAP men's basketball.


"Pucha ano yan?" Natawa ako nung makita si Yia na naka Maroon ang T-Shirt pero may hawak na yellow na lobo.



"Gago! Pinahawak sakin ni Ian 'to! Nakasalubong ko siya don kasama sila Oliver!" Inis na sabi nya at inabot pa sakin yung lobo pero nilayuan ko lang siya.



Traces Of The String (Red String Series #1)Where stories live. Discover now