Chapter 12

7 0 0
                                    



"Sakit! Hindi ko talaga kaya masanay sa talsik ng mantika!" Marie said while wiping her hands with cold towel.



"Ang mahal ng ambagan ngayon huhu" reklamo ni Mae habang tinitignan pa ang laman ng wallet nya.




Totoo ang sinabi nilang dalawa. Hindi din ako masanay sanay sa talsik ng mantika at ang mahal ng ambagan para sa ingredients.





Pero wala naman kaming magagawa dahil ito ang kursong pinili namin.





Maya maya lang habang nag kekwentuhan kami sa loob ng convenience store ay dumating na ang mga boyfriend nilang dalawa kaya nag paalam na sila sakin.







Saglit akong nanatili muna sa upuan at inuubos ang slurpee. Pero agad ding hinalungkat ang phone sa bag nung tumunog ang ring tone ko.



"Ano?"



[Nomi]



"Nanaman? Kaka inom lang natin nung miyerkules ah?" Napa kamot pa ko ng ulo.




[Friday naman na ngayon. Dali na, bgc lang.]




"Walang pera"




[Ako meron. Sumama ka.]





Napa facepalm nalang ako nung binabaan ako ng tawag nito at nag text sakin na susunduin nya daw ako mamaya kasama ang iba.





Pero at least libre.




Nung maubos ang iniinom na slurpee ay pumunta na agad ako ng terminal bago pa umalis ang train. Mabuti ay naka abot na 'ko para hindi na mag aantay ulit.



Habang nakikipag siksikan sa train ay suot ko lang ang earphones ko. Nag s-scroll lang sa TikTok.





When the train stopped to my station, bumaba na 'ko. Mabilis naman ako nakasakay ng jeep kahit nakipag siksikan pa. Minabuti ko nalang itago ang gamit ko kaisa manakaw.







Pagod akong bumagsak sa kama, ilang minuto din na ganon ang pwesto ko bago ako tumingala nung tumunog nanaman ang cellphone ko.






[Sama ka mamaya?]




"Oo, susunduin daw nila ako"





[Okay. I'll come too]





"Hm. Musta readings?" Umupo ako sa kama ko habang kausap ko sya.




[Eto malapit na mamatay]





Natawa nalang ako sa sinabi nya. Medyo nagulat din kanina na sasama sya sa inuman mamaya dahil minsan lang itong pumayag dahil busy sya.






"Doctor pa more"





[Sige, Chef]





Umirap nalang ako sa sinabi nya kahit nya naman nakikita. Paniguradong nasa condo sya ngayon.



"Sya. Bye na, matulog muna ako"





[Don't oversleep]


Traces Of The String (Red String Series #1)Where stories live. Discover now