Chapter 7

2 2 0
                                    


Sa lalong inis ko ay nagwalk out ako. Narinig ko pa na tinawag nila ang pangalan ko pero hindi ko sila pinansin. Diretso lang ang lakad ko dahil ayokong makita nilang umiiyak ako.



Hindi ko alam kung saan ako papatungo. Kung saan ako dinadala ng paa ko ay bahala na. Pero alam ko naman na hindi ako gaano kalayo sa rest house.




Gusto ko na muna mapag-isa kahit ngayong gabi. Babalik naman ako kapag okay na. Nakasanayan ko na rin kasi simula noong bata pa ako na patagong umiiyak. Nakaupo ako sa buhangin habang nakikinig sa alon.




The soothing sound of the waves is so calming.




Kahit maginaw dahil nagpalit ako ng shorts kanina at crocs na tsinelas. Malungkot akong tumingin sa dagat at umiyak nang umiyak. Buti nalang talaga at pasado alas dose na ngayon, paniguradong tulog na ang mga tao.





Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman. Nasasaktan ako nang sobra ngayon sa hindi mapaliwanag na dahilan. Kailan ba mauubos itong luha ko at hindi ito matapos tapos.




Nakakainis isipin na pati dito ay dala niya ang babaeng 'yon. Idahilan niya talagang kailangan niya itomg sekretarya niya dahil pagsasabayin niya ang trabaho at ang pag eenjoy dito.



Bobo ba siya? Family Gathering nga kasi birthday ng Lolo Hernan tapos sinama si Tracy. Higad talaga na secretarya hindi marunong dumistansya.



Iyak lang ako nang iyak habang binabato ang dagat.





Bakit ba kahit nadurog na ang puso ko ay mahal ko pa rin siya? Nakakainis.






MADALING araw na ng maisipan kong bumalik sa resthouse. Hindi na ako kumatok bagkus ay binuksan ko nalang ang pinaka main door. Marami ang kwarto na naroon. Dahan-dahan kong binuksan ang pintoan ng kwarto ko. Hindi madilim at hindi rin gaano kaliwanag.




Nakita ko na may natutulog sa kama at sa tingin ko ay si Felix iyon. Sinipat ko pa kung katabi ba nito ang secretarya pero ewan ko kung bakit nakaramdam ako nang pagkaluwag ng malaman na wala itong katabi.




Kukunin ko lang ang gamit ko syaka ako lilipat sa kabilang kwarto na bakante. Ayokong magkasama kaming dalawa sa iisang kwarto dahil naiinis pa rin ako sa kanya. 




Buti nalang talaga at hindi ito nagising. Lumipat ako sa kabilang kwarto kung saan ay bakante. Naligo muna ako bago humiga sa kama. Hindi pa ako inaantok kaya nakatingin lang ako sa kisame.




Maganda ang lugar at kung irerate ko ito ay 10/10 talaga. Sobrang linis at simple lang kasi ang kwarto ko. May maliit na TV at aircon, pati mini fridge ay meron din sila. Maganda rito dahil may maliit na terrace na makikita mo talaga ang dalampasigan.





Hindi naman gaano katagal bago ako bisitahin ng antok.





NAGISING ako na parang may nakadagan sa akin mula sa likod kaya habang nakapikit ay umikot ako. Nagtaka ako kung bakit pamilyar ang amoy at may mabango at mainit na hininga ang dumadapo sa pagmumukha ko.




I saw him with a smile in his face.




“Good morning, Wife.” He said with his baritone voice.


“Tangina!” Mura ko sa gulat.




Napalayo ako sa kanya at doon ko lang napagtanto na wala itong saplot pang-itaas. Kwarto ko to ah, paano siya nakarating dito?





You're All I WantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon