Chapter 9

3 2 0
                                    


NAGISING ako na nasa kwarto na ako nang resthouse. Hindi ko alam kung bakit ako napunta rito ‘e kanina lang ay nasa Aguinid Falls pa kami. Umupo ako at sumandal sa headboard ng kama.

“Finally, You're awake.” Napalingon ako sa boses ni Felix na nasa gilid ng kama.

“I am so worried about you. Are you trying to suicide?”

Hindi ako sumagot kasi hindi ko naman alam ang pinagsasabi niya.

Anong suicide ang pinagsasabi niya? Bakit naman ako magpapakamatay?

“You know, you can tell what's your problem. Bakit mo ako laging iniiwasan at lagi kang nagtataray?” Malungkot ang tono ng kanyang pagsasalita pati ang mukha nito.

“Kahit naman sabihin ko ay hindi mo naman ako pakikinggan.” Mahinang sabi ko.

“What is it? So I can make this up to you? I'm so busy in work and I am so sorry for what I did.”

“Pinagsasabi mo hoy? Okay lang sa akin 'yon. Gagu, Ang sabi mo ay naospital ang sekretarya mo kaya hindi ka makakauwi ng maaga. Bakit ka nagsinungaling?” Mangiyak-ngiyak na ako habang nakatingin sa kanya.

“Ang sabi ni Tracy ay pumunta kayo ng London para sa okasyon na dadaluhan mo at kailangan mo ng kapartner kaya ang sekretarya mo nalang ang isinama mo.” Hindi ko na mapigilan ang luha na nagbabadyang tumulo na kanina pa.

“Nagtataka ako kung bakit ang lapit lapit mo sa sekretarya nimo keysa saakin. Wala ka ngang pakialam sa nararamdaman ko. Oo, alam ko na kasal lang tayo sa papel pero hindi ka ba aware na may asawa kana? Hinahayan mo na kalantariin ka ng ibang babae.”

“Hindi ko alam kung ano ang totoo e. Noong gumala tayo sa Amusement Park, hindi ko alam kung tunay ba iyong pinapakita mo sa akin o bumabawi ka lang.”

“Manhid ka ba?” Tanong ko sa kaniya at tumawa.

“Ngayon naman, umaasta kang may pake sa akin. Pero mamaya-maya lang ay hindi mo na naman alam na may nasasaktan kang tao.” Nakayuko lang ito at hindi nagsalita.

“Umalis ka nalang at magsama kayo ng sekretarya mong higad.” Inis na sabi ko at humiga.

“I'm so sorry to make you feel this way. I didn't intended to make you jealous to her. Just like what I've said, she was just nothing. I didn't feel any romantic or attraction to my secretary.”

Naramdaman ko ang paghaplos nito sa buhok ko.

“And kung ano ang nakita mo noong gumala tayo, all of that is true. I care for you and If you think I didn't notice what you feel, I notice it. You kept rolling your eyes and nagtataray ka saakin.” Parang natatawa ito kaya inis akong umikot para tignan siya ng masama.

“You know what, Sa loob ng isang taong na natali tayo sa isa't-isa. I always think of bakit hindi natin subukan at baka magwork? I know that hindi tayo iyong couples na nagsimula sa ligawan but we're still young and I am willing to give it a try. Just please tell me that you want it too.”

Nagkatitigan kami sa mata. Nakikita naman na sincere ito sa pagkakasabi. Ang gwapo talaga nito kahit anong expression ang gawin.

Hinaplos nito ang aking pisnge at ngumiti.

“I'll give you time to think, Wife.” He kissed my forehead before leaving the room.

Napangiti ako sa kilig. Kinuha ko ang unan sa tabi ko at itinakip sa mukha ko para tumili doon. Hindi kasi soundproof ang kwarto, baka isipin nila na may nangyaring masama saakin.

Kinuha ko ang cellphone ko at inaliw ang sarili. Nagpost at nag myday muna ako sa instagram bago naisipang bumaba.

Gabi na pala kaya naghapunan muna ang lahat. Nakita ko naman na nag-uusap si Lolo Hernan at si Felix sa gilid. Sa tingin ko ay seryoso ang pinag-uusapan nila. Parang pinagsasabihan ni Lolo si Felix dahil halata sa mukha nito na parang isang bata na pinapagalitan.

“Bukas na ang birthday ni Papa.” Ani Tita Susan habang kumakain ng watermelon.

“Bukas pa dadating ang nagdedesign nitong venue.” Si Tita Gina.


“Hija, Malapit na ang Wedding Anniversary niyo ng asawa mo. Saan n'yo balak mag celebrate? Syaka 2 years na kayong kasal, wala ba kayong balak magkaanak?” Pilyang ngumiti si Tita Susan.

Lahat ng dugo ko sa katawan ay umakyat yata sa mukha ko. Alam kong namumula amo ngayon, pati ang paa at kamay ko ay namamawis.

“Naku po, mukhang wala pa po ata e.” Nahihiyang sagot ko.

“Gustong-gusto na namin magkaapo. Medyo tumatanda na kami ni Susan baka hindi na namin maabotan na lumaki iyan.” Sumulpot si Tito Alex sa likod ko.

“Tse. Kahit naman matanda na ako ay maganda pa rin ako.” Maarteng sabi ni Tita Susan habang nagflip-flip pa ng buhok.

“Oo naman darling, Ikaw lang ang maganda sa mga mata ko.” Ani Tito Alex at niyakap si Tita Susan.

“Magtigil ka nga Alex at baka makita tayo ni Papa.” Suway ni Tita Susan kay Tito Alex na hinahalikan siya sa balikat.

Umalis nalang kami ni Tita Gina at lumabas sa rest house. Nakaupo kami sa buhangin kaharap ang dagat habang kumakain ng chips.

“Nacurious ako sa inyong dalawa ni Felix, Charlotte. Hindi ba kayo okay? Akala namin ay nagpapakamatay ka kanina. Buti nalang ay napansin ka ni Felix na hindi na umaahon.”

“Hindi naman po ako magpapakamatay e. Syaka ayos lang naman po kami ni Felix sa tingin ko po. Nagkausap naman po kami kanina pagkagising ko.”

“Sobrang alala ang pamangkin ko sa'yo. Kaya imbes na mag enjoy ay umuwi nalang kami kaagad dito. Hindi ka kasi nagising doon noong ginamitan ka na ng first aid. Nagtawag pa ng doktor si Felix.”

Hindi ako nagsalita.

“Kung nakita mo lang si Felix kung paano nag-alala sa'yo kahit nahimatay ka lang ay talagang malulungkot ka rin. Alam ko naman na hindi kayo okay nitong nakaraang araw. Kung sa tingin mo naman na walang pake sa'yo si Felix lalong-lalo na sa nararamdaman mo, Bakit ka niya iniligtas kanina? Kilala ko ang pamangkin ko Charlotte. Hindi niya rin ugali na magcheat sa ibang babae. Pinagsabihan nga siya ngayon ni Papa e.”

Baka nag dedelusion lang ako. Kahit walang namamagitan sa kanila ni Tracy ay binibigyan ko ng malisya. Kung mayroon akong dapat kausapin ay dapat si Tracy. Siya lang naman ang problema ko.

Marami ang napag-usapan namin ni Tita Gina. Kung papaano sila nagkakilala ng Asawa niyang si Tito Carlo na pumanaw na. Si Tito Carlo ay isa palang Lawyer. Namatay dahil sa car accident. Halos maiiyak na nga si Tita ng ikweninto niya ito saakin.


Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ni Tita Gina ay sumupot si Felix sa likod.


“Excuse us, Tita Gina. Gusto ko lang sana makipagligo kay Charlotte sa dagat.” Sabi nito at hinila ako pabalik sa kwarto namin.


Pagkarating namin sa kwarto ay nagbihis ito kaagad sa harap ko pa mismo kaya ang ginawa ko ay tumalikod ako sa kaniya. Pinapasama ako para tignan siyang magbihis, ay talaga nga naman.

“Pwede namang ikaw nalang ang maligo mag-isa sa dagat, syaka gabi na oh siguro ay malamig na ang dagat.”


“I want to swim with you. Ayaw mo bang subukang makipag night swimming saakin? By the way, pwede kana humarap tapos na akong magbihis.”

Humarap ako sa kaniya at halos malaglag ang panga ko sa nakita. Half-naked na naman siya at nakikita ko na naman ang matitigas na pandesal.


“You like it?” He smirked.


“Tse. Alis na magbihihis muna ako.” Ani ko at inirapan siya.


“Just tell me if you want to touch it or....taste it. I'll give this to you for free.” He smirked and walk towards the door.


Nag-init naman ang mukha ko nang maisip ang sarili ko na ginagawa iyon sa kaniya. Iba talaga ang epekto saakin ni Felix. Jusko!

You're All I WantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon