Chapter 26
Sandra
SA DALAWANG linggo mula nang saktan ako ni tj, ay hindi na ito naulit pa. At sana mag tuloy tuloy na, sobrang pag iwas rin ang ginagawa ko sa kanya.
Sa ngayon ay wala si tj. Kaya naman nakakakilos ako ng maayos dito sa bahay. Kasama ko si shiloh sa sala na nakatutok nanaman sa tv.
Noong araw na sinaktan ako ni tj, ay nakita ni shiloh ang pasa sa mukha ko. Nagtanong ito pero hindi ko iyon sinagot. Kahit papaano ayokong isipin ni shiloh na masama ang daddy nya, kahit totoo naman. Pinagpapasalamat ko lang talaga na hindi dinadamay ni tj ang anak namin. Dahil kung sakaling mangyare yun, hindi ko sya mapapatawad.
"Shiloh that's enough na... You should sleep na ha!" Sabi ko rito.
"I don't want, mommy... Wait ko po si daddy!.."
"Hindi pwede! It's already nine, na. Dapat eight tulog kana eh!"
"But, mommy i want to give this to daddy..." Tinignan ko naman kung ano ang tinutukoy nya..., it's a photo of shiloh and her dad hugging each other.
"Where did you get this?" I asked
"Daddy's wallet mommy." Sagot naman nito.
It's a picture of them. maybe when they went to mall. Ang lawak ng ngiti nila pareho dito sa litrato, ang ganda ng pagkakuha.
"Bukas mo nalang i ibigay sa daddy mo. Hindi pwede lagi nagpupuyat, ha."
Pagkatapos kong sabihin iyon ay, bigla nalang tumakbo si shiloh papuntang room namin. For sure galit ito sa'kin, wala na talaga akong kakampi sa pamamahay na ito.
Sinundan ko si shiloh. Pero laking gulat ko nang hindi ko mabuksan ang pinto ng kwarto namin. Napasabunot nalang ako sa buhok ko. Sinubukan kong kumatok ng ilang beses, pero walang response ang anak ko.
"Shiloh... Open the door please... I'm sorry na." Sabi ko habang nakaharap ako sa pinto. Kumatok ulit ako ng ilang beses. Pero mukhang wala pa rin balak buksan ang pinto. "Shiloh, please..." Naluluha kong sabi. Hindi ko lubos maisip na kaya na akong tiisin ni shiloh ngayon.
Sinubukan kong hanapin ang duplicate ng susi pero, wala akong nakita. Bumalik ako sa pinto at kumatok ulit. "Shiloh..." Tawag ko sa kanya. I was about to speak again, when tj suddenly came. Nagtataka akong tinignan ni tj.
"What happened?" Tanong nya sa'kin.
"Ayaw akong pagbuksan. Parang galit ata sakin."
Pumunta si tj sa harap ng pinto, at sya ang kumatok. Ilang beses iyon pero wala pa rin.
"Baby... Daddy is here! Can you open the door for me?"
There you go! Wala pang sampong segundo ay bumukas na ang pinto. Yumakap ito sa daddy nya at nakita kong hawak pa rin nya ang litrato kanina. Dinala ni tj si shiloh sa sala, at ako naman ang pumasok sa kwarto. Dumerestso ako sa banyo at dito ko binuhos ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
Wala na ba akong silbi? Hindi na ata ako kailangan ng anak ko. Paano kung dumating yung araw na makahanap si tj ng mapapangasawa? Maiintindihan kaya ni shiloh?
Lumabas ako ng banyo, after kong maligo. Then i saw tj inside our room, doing something of his laptop. At si shiloh? Yun! Tulog na. Mukhang nagiging daddy's girl na nga si shiloh.