Kabanata 3

47 4 0
                                    

Kabanata 3: Mission

Loren’s POV

"I won't leave your side, everything will be fine. Trust me, Loren."

I nodded.

"Let's go." he then cover my eyes with his hand. Walang pagtutol ang buong katawan ko, mabilis din itong bumagsak at nawalan na ako ng malay.

Nang muling magising ang diwa ko ay madilim na kwarto ang bumungad sa akin. Inilibot ko ang aking paningin. Ito pa rin ang kwarto sa panaginip ko ngunit mas mukhang luma at napabayaan na.

"Present time, Loren. Be careful and don't make noises." napalingon ako sa direksyon ng nagsalita. It was Bruce sitting on the other side of the bed.

"Okay." tugon ko. I don’t know why am i doing this dicey things pero kailangan ko itong panindigan. The die is cast.

Nagsimula na akong kumilos. Dahan-dahan akong umupo at gumapang sa lapag. Agad kong tinungo ang mga drawer na hindi naman kalakihan. Nasa madilim na parte ito ng kwarto.

Hindi ko maitago ang takot na nararamdaman, baka mahuli ako. At isa pa, haunted house rin ang kinalalagyan ko. Close nga lang kami ng multo.

"What are you doing?" asked Bruce. Napatigil ako sa paggapang.

Lumingon ako sa gawi niya. "Baka may makakita sa akin sa labas." pagpapaliwanag ko ngunit pasimple niya akong tinawanan.

Tsk!

"You don't have to do that. Get up and walk like a human." he commanded. Nakatayo siya sa likod ko.

Palibhasa, ako lang ang nakakakita sa kanya.

"Pinagsasabi mo?" pabulong kong sigaw sa kanya.

"It's only your soul who are in here not your physical being."

Napaisip ako sa sinabi niya. Kaluluwa ko lang pala ang nandito. Therefore, no one can see me.

"Sabi mo huwag gumawa ng noises, so, i assumed na may physical body ako." pangangatwiran ko sa kanya.

"The difference between us is i am dead, and you're not. You still have the ability to move things here."

Hindi ko na siya pinansin at agad na tinungo ang cabinet na sinabi niya sa akin.

Akma ko nang bubuksan ang pintuan ng cabinet nang umihip ang malamig na hangin, "Don't mind it, it's just me. Gusto ko lang magpalamig." sambit niya.

Kasalukuyan siyang nakatayo sa likod ko. Okay na 'to, bawas takot na rin. Kaso nakakatakot ang lugar na kinalalagyan namin.

Tuluyan ko nang binuksan ang lumang drawer. Agad na sumapok ang mabahong amoy dahil sa katagalang hindi nabuksan, "They don't touch that, aren't they?"

"I don't know, bastard." asar kong sagot sa kanya.

Kinapa ko ang aking cell phone sa bulsa ng aking pajama. Wala akong dalang flashlight.

"Here," umupo si Bruce sa akin tabi at doon ay may nilabas siya na nagbigay liwanag sa loob ng cabinet.

Nang makita ko na ang loob ng cabinet ay mabilis na nakapukaw ng atensyon ko ang isang malaki at may kakapalang libro. Luma na rin ito at nabalot na ng mga sapot at alikabok.

Whisper Of The Forgotten [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now