Kabanata 5: Enchanted
Risha's POV
Dancing lights, loud music, and masasarap na pagkain. We held an afterparty 'cause we are graduated. After all the tears and sleepless night, everything had been paid off earlier when we received our medals and diploma.
Alam naming hindi pa rito natatapos ang lahat but receiving such awards is an honor for us. Saksi kaming tatlo sa pagod ng bawat isa; sa puyat, luha, at breakdowns. Indeed, we deserved this party.
Kasalukuyan akong kumukuha ng mga pagkain sa buffet. Gutom na gutom talaga ako kanina pa dahil hindi naman kami pwedeng magdala ng pagkain sa event kanina.
Lumingon ako sa table namin. Ngumiti ako nang makita si Avy. I really admire that woman. Yes, bisexual ako pero ayokong pumasok sa relationship; whether it is opposite-sex or same-sex relationship.
Kaya hindi rin ako umaamin. Alam kong nay alam na rin si Loren pero sana hindi siya mag-ingay.
Bumalik na ako sa table namin nang mapuno ng mga putahe ang pinggan ko. Matakaw ako pero i’m working out every weekend sa gym kaya my body remain fit.
Naabutan ko silang nag-uusap tungkol sa lalake at relasyon kaya naman hindi ko na rin napigilang sumabat.
“Kaya wala kang nagiging nobyo dahil mapili ka.” prangka akong kaibigan pero alam ko naman ang limitasyon ko.
They don’t know bakit lagi akong nagagalit kapag may inappropriate actions and behavior silang ginagawa. Ang tawag nila sa ‘kin ay Anger, corny, at kj. Ewan ko ba.
I just wanna protect them. Sinasabihan ko lang sila kapag may mali sa ginagawa nila dahil ayokong iba pa ang magsabi no’n sa kanila.
“Tara, sayaw nalang tayo.” aya ni Avy sa akin. Bahagya akong napangiti sa sinabi niya.
Oh, this woman. I nodded.
Si Loren ay nakatulala na naman. Ano na naman kayang problema ng babaeng ‘to?
Akma na kaming tatayo ni Avy nang biglang bumagsak si Loren sa lapag. “Loren!” tumigil sa sayawan ang mga kasama namin at mabilis na pumaligid sa amin.
“Tabi! Tabi! Tabi!” rinig kong sambit ni tito na nakipagsisikan sa mga nakaharang.
Nang makalapit siya ay agad niyang binuhat si Loren. Kami naman ni Avy ay nakaalalay lang, si tita Linda naman ay nakasunod, habang si mommy at daddy ay nagpakalma ng mga kaibigan namin.
“Hay! Dapat siguro hindi muna tayo nag-celebrate. Dapat siguro pinagpahinga muna natin siya lalo’t kagagaling niya lang sa hospital.” hindi mapakaling sambit ni Avy. Kanina pa siya palakad-lakad sa harap ko.
Kasalukuyan kaming nasa labas ng kwarto ni Loren. Lumabas muna kami para makapag-usap ang mga magulang niya. Hindi pa pumupunta rito sina mommy at daddy. Siguro nag-aayos pa sila.
Malapit nang lumalim ang gabi pero hindi pa kami nakakauwi. Kailangan namin ng update about Loren.
“Nasaan si Loren?” tanong ni mommy nang makarating sila rito. Tumayo ako mula sa kinauupuam at sinalubong namin sila ni Avy.
“Tita, nasa loob po sila.” sagot ni Avy.
“Tara! Pasok tayo.” ayan ni daddy. He knocked on the door. “Buds?” tawag niya sa papa ni Loren.
YOU ARE READING
Whisper Of The Forgotten [ COMPLETED ]
Mistério / SuspenseWhen nineteen-year-old Loren Macasapas first heard the whisper of Bruce in front of his abandoned room, fear and shock strikes her. She ran away when she heard his deep voice without knowing what he wanna say to her. And when the time she finally fa...