Kabanata 8

38 5 0
                                    

Kabanata 8: Week After

Loren’s POV

It’s been a week since Bruce confessed. Wala na rin siyang paramdam sa akin. Hindi ko pa nararamdaman ang presensya niya at hindi rin siya bumubulong sa akin.

That’s good. Ewan ko ba, mas naging payapa ang buhay ko mula nang tumigil kami sa pag-uusap.

“Ang ganda ko.” sambit ko nang makita ang sarili sa life-size mirror sa kwarto ko habang suot ang kulay dilaw na dress.

Gagala kami ngayon nila Avy at Rish. Treat na raw nila sa akin. Sinigurado pa nila na magaling na talaga ako bago ako ayain. I observed my self for a week to check if i got injury and i didn’t.

Maya-maya pa ay nag-ring ang cell phone ko na nasa bag ko. Agad ko iyong sinagot nang makita ang nickname ni Avy sa screen.

Avylat 😍🤟🏻”

“Oh?” bungad ko sa kanya.

“Anong oh? Hoy bakla, nasaan ka na? Nagagalit na naman si Anger.” bahagya kong nilayo ang cell phone sa tainga.

“Ay nako, tapos na ako. Palabas na ng kwarto.” sabi ko at pinatay ang tawag.

Malamang ay nasa living area na sila ng bahay kaya tumawag na ‘yon. Nagmadali na akong bumaba dahil baka pumasok pa sila sa kwarto.

“Oh? Bakit ganyan suot mo?” tanong ni Avy, she scan me from head to toe, “Ang pretty!” bawi niya.

“Talaga! Ako pa? Ako yata ang queen of fashion.” pagmamayabang ko at nag-pose. Bahagya ko pang hinawi ang buhok ko sa likod.

“Ako yata ang queen of fashion— heh! Walang mabagal na reyna. Tara na nga!” pagtataray ni Rish na kasalukuyang kumakain ng cake. Hay! Kumuha na naman siya sa ref nang hindi nagpapaalam. Kahit kailan talaga ang babaeng ito.

“Sus, galit na naman siya. Ikaw na nga itong kumakain ng cake nang hindi nagpapaalam.” pang-aasar ni Avy kay Risha. She’s poking her that makes her even more annoyed.

“Eh! Sabi ni tita noon pwede naman daw tayong kumain dito kahit hindi nagpapaalam.” depensa ni Risha sa sarili.  “Stop it.” pagpipigil niya habang iniiwasan ang daliri ni Avy na kumikiliti sa baywang niya.

“Sus! Pikon ka naman.” humalukipkip si Avy at umakto na para bang nagtatampo at tumingin sa ibang direksyon.

Mabilis na napalitan ng takot ang ekpresyon ng mukha ni Risha, “Eto naman, biro lang.” sambit niya habang kinukuha ang kamay ni Avy na pilit naman niyang iniiwas.

Bahagya akong natawa sa kanila. Akala siguro ng dalawang ito ay wala akong alam.

“Aalis ba tayo o magsusuyuan kayo riyan?” biro kong tanong sa dalawang nagsusuyuan.

Tinapunan ako ng masamang tingin ni Risha, “Tapusin ko muna ‘to.” she was referring to a piece of cake in her plate.

Nagmadali na siyang ubusin iyon at dumiretso sa sink para hugasan ang pinagkainan. 

Naiwan kaming tahimik ni Avy, nagtinginan kaming dalawa. “Kumain ka na, girl?” tanong ko sa kanya.

Umiling-iling ito. “Hindi ako gutom.”

Whisper Of The Forgotten [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now