Kabanata 14: Bride-to-be, Loren.
Months later...
Loren’s POV
Living in another life is preferable to live in than the world of the living. We have 5 hours to work and the rest is our time for our family. The salary is 2,500 per day. Wala kaming tax dito. Mura lang ang mga bilihin.
And now i understand why we have to suffer when we are living. There’s another life that is waiting for us. Mas mabuti, at mas mayaman.
There’s no suffering and cries. Everything feels light and enthusiastic. May mga aksidente naman at mga problema, ngunit mas lamang pa rin ang kabutihan.
Hindi ko alam kung bakit may mga aksidente rito, sabi ni Bruce, normal lang daw iyon. Minsan nangyayari raw iyon kapag nakagawa ng kasalanan ang isang tao. So, kapag may nangyari sa ‘yo, ibig sabihin may ginawa kang kasalanan.
“Girl, lunch na. Tara!” sambit ng katrabaho kong si Kyra na kasalukuyang hawak ang lunchbox niya.
“Later na, sunod na lang ako.” saad ko sa kanya. Hindi pa ako tapos sa pagsusulat ng article ko.
I am now a journalist here. Sa online ako nagpa-publish ng news and such. Wala naman gaanong problema at issues dito kaya kung may ibabalita kami ay puro announcement lang ng mga meetings, at kung may panibagong dating sa kabilang buhay.
Sinusulat ko ngayon ang gaganaping beauty pageant sa amin. Kakaiba ang pageant na ‘to. Karamihan sa mga sumasali ay sobrang gaganda kaya naman kahit anong hikayat sa akin ni Bruce na sumali, ayoko.
I have never experienced joining pageants when i was in my high school, kaya wala akong experience. Sa pageant din kami kumukuha ng mga nagiging pinuno ng buong bansa namin.
This is another version of Earth, but better and is well-organized. May internet and technologies, and we are monarchy. We are ruled by a king and queen.
Matapos kong i-publish sa internet ang isinulat na article, mabilis kong kinuha ang aking lunchbox sa bag dahil gutom na gutom na ako.
Tumungo ako sa dining area ng opisina at kaagad na hinanap si Kyra. Iginala ko ang paningin at sa sobrang daming tao, nahirapan ako sa paghahanap sa kanya.
Bitbit ko ang aking lunch box na laman ang nilutong pagkain ni Bruce para sa ‘kin. He was a good chef here. No longer wondering why do a lot of women tryna flirt him. Sabi niya, wala naman daw siyang pakialam sa mga ‘yon.
Nang makita ko si Kyra, agad ko siyang pinuntahan. Nilapag ko ang luncbox ko sa tapat niya dahilan upang mapansin niya ang pagdating ko.
“Oh, girl. Mabuti at naisipan mo pang kumain?” sarkastikong tanong niya habang kumakain.
Umupo na ako sa upuan sa tapat niya. Hindi ko pa nabubuksan ang lunchbox ko ay amoy ko na ang adobong manok na niluto ni Bruce para sa akin.
“You are craving adobong manok, so i cooked this for you. I hope you will like it. – Bruce”
Hindi ko maitago ang ngiti dahil sa sulat na nakadikit sa takip ng lunchbox ko. Hindi talaga siya nagkulang sa pagpapaalala sa akin na mahal ko siya.
“Asus! Ang swerte mo talaga riyan sa boyfriend mo.” kinikilig na sambit ni Kyra.
I nodded.
Sinimulan ko nang kainin ang lunch ko ngayong araw. Kung ire-rate ko ito, 100/10. Hehe!
“Kumusta na pala ang mga inaanak ko?” sunod na tanong niya.
Nilunok ko muna ang nginunguya bago siya sagutin, “Iyon, malusog at sagana sa pagkain. Para ngang naiwan sa kusina.”
“Hindi na ako magtataka. May chef na tatay eh.” sambit niya. “Si Zia, miss ko na ang batang iyon. Si Vinci naman, na-miss ko rin ang pagiging makulit.”
Si Kyra ay ninang ng kambal. Siya ang nagbigay ng pangalan nilang dalawa. Magkaiba raw iyon para magkasundo ang dalawa paglaki.
Hindi ko ma-gets ang logic ng babaeng ‘to. Nabuhay kasi siya noong 80's kaya naiintindihan ko kung puro siya pamahiin.
Lahat kami rito ay nakuha ang edad namin nang mamatay kami at hindi na kami tatanda, maliban nalang kung sanggol ang mga namatay dahil mayroon silang pag-asa na lumaki at tumanda hanggang 10 years old.
“Teka nga. Ikaw? Kailan ka ba magkakalovelife? Sa sobrang daming lalakeng namamatay doon, wala ka man lang napili?”
“Hoy girl, remember? Babae ang gusto ko. Ayokong mag-anak, sakit lang sa ulo ‘yan.” depensa niya sa sarili.
“Eh, akala ko ba mahilig ka sa bata?” nagtatakang tanong ko.
“Oo, kung hindi galing sa akin. Kasi kapag nagsawa ako, pwede kong isauli sa nanay pero kung anak ko ‘yon? Kanino ko ibibigay kapag nagsawa na ako mag-alaga?”
Natatawa man ay tumango nalang ako. Kakaiba talaga kung mag-isip ang babae na ‘to. Hindi ko alam kung saan niya nakukuha ang ganung mga ideya. She’s kinda weird but i love her vibes tho.
“Pero eto na nga, girl. Ang daming namatay lately, ‘no?” pagbabago niya ng usapan.
Napaisip naman agad ako sa sinabi niya. Tama nga. Marami ang namamatay ngayon pero bakit kaya? Wala naman kaming nababalitaan mula kay king Plaridel.
“Malalaman din ‘yan soon.” sagot ko naman.
Wala naman kaming nalalagpasang issue at balita dahil kailangan naming ipaalam ito sa iba.
“Marami rin ang kinakasal.” she said out-of-nowhere.
“Hmm, i don’t know.” i shrugged my shoulders.
Inubos ko na ang lunch ko at saka nagligpit ng pinagkainan, gano’n din si Kyra.
“Teh, sure ka hindi mo alam?” paninigurado niya sa naging sagot ko kanina.
“Huh? Oo naman. Wala naman akong alam sa kasal-kasal na ‘yan. Narinig ko kanina sa office pero isinawalang bahala ko nalang. Wala naman yatang balak si Bruce na pakasalan ako.” saad ko sa kanya habang nagpupunas ng kamay gamit ang tissue paper.
“Walang balak pero anong tawag sa ‘yo?” saglit siyang tumigil, “Wife.” dagdag niya.
“Pero feel ko wala talaga.” pagtanggol ko sa sinabi niya.
“Eh anong ginagawa niyan diyan?” tanong niya saka ngumuso sa bandang likod ko.
Inikot ang ulo mula sa nguso niya hanggang sa direksyon ng tinuturo niya at halos mahulog ang panga ko nang makita ang nakaluhod na si Bruce.
He’s wearing a tuxedo while on his knees holding a box of ring.
“Who told you that i have no plan to marry the woman i wanna treasure forever?” he asked and threw me a smile.
Lumakas ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa kanya. Napatayo ako sa kinauupuan ko nang magsink-in ang nangyayari.
He was proposing!
“Will you marry me, Loren Macasapas?”
Naghiyawan ang mga taong kanina lang ay kumakain. Nakapaligid na sila sa amin. Maya-maya pa ay tumahimik sila, tila ba naghihintay sa magiging sagot ko.
Natutop ako sa aking kinatatayuan.
“No...” pangbitin ko sa kanya. “Way, yes!” i shouted.
He immediately stood up and grab my waist. “Yes!” he shouted in his lungs.
He pulled me closer and kissed my lips that brings more kilig to the people around us.
Parang huminto ang mundo ko sa mga nangyayari. I couldn’t move.
I didn’t expect this. I never expected that i’m going to be married. Ang saya ko.
——×——
Facebook Account: Tristan Santos
TikTok Account: @tan_vxixvi
Instagram Account: @notyourtanofcl
YOU ARE READING
Whisper Of The Forgotten [ COMPLETED ]
Mystery / ThrillerWhen nineteen-year-old Loren Macasapas first heard the whisper of Bruce in front of his abandoned room, fear and shock strikes her. She ran away when she heard his deep voice without knowing what he wanna say to her. And when the time she finally fa...