Kabanata 9

37 3 0
                                    

Kabanata 9: Peace over Bruce

Loren’s POV

"Nako!" nanlaki ang mata ng albularyo nang humulma na parang lalake ang pinatak niyang kandila sa tubig. Kinuha niya iyon at iniangat at pinakita kina mama.

Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ni mama na nakahawak sa dalawang balikat ko. They brought me here sa isang albularyo sa kabilang baranggay matapos kong himatayin kagabi. According to them, an old lady told them that i was enchanted by a maligno, and boom! We're here.

Saan kaya nanggaling ang matandang sinasabi nila?

"May nakausap ka bang lalake, anak?" tanong sa akin ng albularyo, may katandaan na at may kahinaan na rin. Hawak pa rin ang patak ng kandila na hulmang lalake. Mabilis akong tumanggi sa tanong niya.

"Sigurado ka?" tanong nitong muli, "Kung gayon, akin na ang kamay mo at titingnan ko." utos niya. Nagtataka man ay iniangat ko ang kamay. He put his thumb on my palm. He's like reading something on it.

"Nakausap mo ba ang anak ni Don Tiago? Siya ang nakikita ko." sambit nito.

Base sa tono ng boses niya, parang nakakatakot kung nakausap ko man si Bruce. Ramdam kong napatingin sa akin sina mama at papa. I am hesitating to tell them but i nodded.

"Loren?" lumingon ako kay papa na nasa kaliwa ko, "Sino ‘yon? Siya ba ang sumapi sa ‘yo?” tanong niya.

"I know him!" depensa ko. Hindi ko alam kung bakit ko ipinagtatanggol si Bruce. I don't like him.

"Buntis ka." sunod pang sambit ng matanda. Agad kong binawi ang kamay ko sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Buntis po?" gulat kong tanong, "Wala po akong boyfriend." pagtanggi ko.

"A-Ah tyong, mali po yata kayo ng nabasa?" tanong ni mama sa matanda.

Hindi ako pwedeng mabuntis dahil wala naman akong boyfriend ngayon at hindi ako nakikipag-sex kung kani-kanino. Kahit naman puro gala ang ginagawa namin nila Avy hindi naman kami lumalandi.

Humigpit ang hawak sa akin ni papa. Ramdam ko ang galit niya dahil sa mga narinig. Pare-parehas kaming nagulat sa sinabi ng matanda.

"Totoo ang sinabi ko. Hindi ka sinapian noong araw na iyon, napasailalim ka sa mahika ng kanyang anak na lalake." mas lalong tumindi ang kyuryosidad sa aming tatlo, "Walang buhay ang anak mo ngunit mabubuhay siya sa mundo ng kanyang ama." nanlaki ang mata ko sa rebelasyon ng matanda.

"Naguguluhan ako." sambit ni mama habang nakahawak sa kanyang sentido, "Paanong nangyari iyon? Anong ibig niyong sabihing napasailalim sa mahika?" nagtatakhang tanong ni mama sa akin.

Nagsisimula nang mamuo ang takot sa loob ko. Humawak ako sa aking tiyan. Hindi pwede. Buntis ako kay Bruce?

"M-Ma." i mouthed. Nangilid ang mga luha ko. Parang may kumurot sa aking dibdib. Hindi ko alam ang nangyayari at kung may nangyari ba sa amin ni Bruce.

"Teka, hindi pa tayo sigurado." sambit ni papa, umaasang mali ang nabasa ni manong.

Umiling ang matanda, “Sigurado ako, anak. Hindi pa ako nagkakamali sa pagbabasa sa buong buhay ko.” saad niya.

Whisper Of The Forgotten [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now