Wakas: Love at first sight.
Bruce's POV
"Aww!" mabilis kong binawi ang kamay nang mapaso ako sa libro. I took a deep breath as i failed to get that book again.
Ilang beses ko nang sinubukang kuhanin ang diary na 'to. I wanna see its inside. Nakita ko kasi ito na nilagay ni dad after ng pagsabog. Ilang dekada na ang lumipas ngunit hindi ko pa rin magawa.
Bakit kasi kailangan pa niyang pasabuyan ng holy water 'to? Siya naman ang demonyo.
"How can i get this?" tanong ko sa sarili. This book keeps burning my skin and it hurts. Sayang ang sabon ko na ginagamit para pumuti ako kung magkakaroon ako ng peklat dahil sa holy water.
Umupo ako sa dati kong kama. Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid ng kwarto ko. I have never forget the traumatic experiences that i had left here.
Kung wala lang akong misyon, hindi ko na ito babalikan. King Plaridel wants to promote me as his right-hand, to be promoted, i have to bring a woman in the next life and marry her.
Ngunit habang wala pa akong makitang babae, inuubos ko ang oras ko sa pagkuha ng diary ng dad ko. Hindi ko pa rin alam ang dahilan ni dad kung bakit niya nilagay ang diary sa cabinet ko.
"Hay! Nakakapagod!" napalingon ako sa labas ng bintana kung saan nanggagaling ang boses ng isang babae.
Agad akong tumayo at sumilip doon. Agad kong nakita ang isang magandang babae na may katangkaran. "Gabi na, bakit ngayon lang siya umuwi?"
Napagdesisyunan kong lumabas ng kwarto, tumagos ako sa pader at saka naglakad sa likuran niya. Gusto ko siyang samahan sa pag-uwi para naman kahit papaano, may gagabay sa kanya.
"Kailan kaya makakatapak sa NSPC?" rinig kong tanong nito.
NSPC?
Nanatili akong tahimik at maingat, ayokong iparamdam ang presensya ko sa kanya upang maiwasan ang pagkatakot niya.
Napakaganda niya. Manipis ang labi at mabango ang buhok. Medyo maputi siya at kulay itim ang mata.
Hindi ko na namalayang matagal na pala akong nakatitig sa kanya mula sa gilid niya kaya naman iniwas ko na ang aking tingin.
I don't what was this feeling i have right now. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Hayst! Wala lang ito. Makabalik na nga.
"Oh girl, you're not my type." i murmured. "I am Bruce Rahes. Hindi ako nagkakagusto sa mahihinang nilalang."
Nagmamadali akong maglakad na halos tumakbo na ako. Binuksan ko na ang portal papunta sa kabilang buhay. Hindi naman ako dapat abutin ng sobrang gabi rito dahil malapit nang mag-umaga roon.
Pagod ako nang makabalik sa mansion ko na iniregalo pa sa akin ni king Plaridel noong birthday ko, May 19.
Hinayaan kong bumagsak ang katawan ko sa malambot kong kama. Lumanghap ako ng hangin at dahan-dahan iyong ibinuga.
Nakakapagod magtrabaho sa palasyo. Inaantok na ako at mabigat na rin ang talukap ng mata ko kaya naman pumikit nalang ako upang makatulog na.
"Wait." muli binuksan ko ang mata ko, "That woman." i mouthed.
I suddenly saw her in my mind. Ang ganda niya pero hindi ko maintindihan kung bakit nasa isip ko. Bumangon ako sa kama at umupo.
"Tsk!" i shook my head. "What the fuck are you doing, Bruce?" sambit ko sa sarili.
"You're not going to settle to a woman like her." pangungumbinsi ko sa sarili.
Humiga ako ulit at sinubukang matulog pero patuloy pa rin akong ginugulo ng imahe ng babae.
YOU ARE READING
Whisper Of The Forgotten [ COMPLETED ]
Mystery / ThrillerWhen nineteen-year-old Loren Macasapas first heard the whisper of Bruce in front of his abandoned room, fear and shock strikes her. She ran away when she heard his deep voice without knowing what he wanna say to her. And when the time she finally fa...