When the Guys they Fall for Fall in Love c5.2

137 1 0
                                    

Wind’s POV

          Kinabahan talaga ako kanina nung sinabi ni Far na ipapalapa nya si Marco. Alam kong seryoso sya. Nagawa na nya yun dati.. At alam kong hindi sya natatakot gawin yun ulit.

          “Far, Try mo yung bad boy approach. Type din kasi ni Ascy yung ganon.” Ano ba tong pinagsasabi ko? Type naman ni Ascy basta gwapo.. And knowing her, baka nga type nya si Far. Naturn off lang dahil hindi sya hinabol kanina. 

          Pumasok kami sa isang jewelry shop. Ayos ang naisip nito ah!

          “ano ang pinakamahal nyong alahas dito?” mayabang talaga itong si Far. He sounds pissed off. Selos? LOL

          “Get her something blue.” Payo ko pa. E kung bawiin ko kaya at sabihin ko na pink.. Ascy hates pink..

          “Yeah.”

          Inilabas na nung sales lady yung…oh my gosh ang gaganda!!! Tipong  may 3cm na diameter yung mga bato!!

          “Miss, wala ba kayong mas desente dyan?! Ano ba sa tingin nyo ang pabibigyan ko, templo?” natawa ako sa comment ni Far.

          “Malay mo type ng girl mo yung ganito kalalaking bato.” Sulsol pa nung sales lady.

          “Kung si Amasa ang pagbibigyan ko baka sakaling patulan ko pa yan. This girl isn’t your typical girl.” Seryoso si Far pero halatang walang ideya kung ano ang ibibigay kay Ascy.

          “Far, wala ka bang kapatid na babae?”

          “Meron.”

          “e bakit hindi mo alam  kung ano ang gusto ng mga babae?”

          “because I hate her too much to observe her.” Ayon sa balibalita ay si Freoix(freya) lamang sa magkakapatid ang kinakausap ng ina nila.

          Gusto kong malaman kung ano ang ibibigay nito kay Ascy. Actually, knowing her, bigyan mo lang yun ng isang galong hazel nut ice cream ay masaya na yun. Pero pride nya yung involved eh.. siguro makukuntento na yun sa kotse. Haha!!

          Yan, hindi ko tuloy nakita yung binili ni Far sa kaka daldal ko!! Asar naman oh!!

          Hmm.. heto kami ngayon, hinahanap si Ascy. Napadaan kami sa isang Toy store.

          “Far, ibili mo kaya ng stuffed toy?”

          “masyadong cheesy.”

          “Papakacheesy ka o hindi ka nun patatawarin?” He stared at me. Sabay ginuyod ako papasok sa toy store.

          Hmm. E kung ang ipabili ko kaya kay Far ay yung mga bagay na alam kong kaiinisan ni Ascy!?

          “Mahilig si Ascy sa Gothic.” I started. Tapos dumampot ako nung cute na gagambang stuffed toy. “She’ll like this”

          “she hates spiders.” Nashock ako! Di ko alam no alam nya yun! May phobia si Ascy sa gagamba. Actually, pag niligtas mo sya mula sa gagamba, super hero na ang tingin nya sayo. Oo ganun ka exagg si Ascy.

          “gothic parin”

          “Don’t toy with me.”

          “Oops, bistado”

          ...hindi sya umiimik.

          Akala ko ba madaldal tong si Far!? Wag mong sabihin na nagcoconcentrate pa sya sa pagpili ng stuff toy? Dumampot sya ng isang stuffed toy. White sya na wolf. Super cute.

When the Guys they Fall for Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon