When the Guys they Fall for Fall in Love c6.1

115 1 0
                                    

CHAPTER 6

Felix’ POV

          Nasa bahay ako ngayon. Bigla nalang kasi akong pinauwi ni Mommy.

          OO. Si MOMMY. Ako nga mismo nagulat din. Alam naman kasi ng lahat na para kay Mommy, iisang anak lang ang meron sya. At si Freoix yun. Yung bunso namin babae. Yung nakakabwiset namin bunso. Ha’ay.

          Sapilitan akong pinag tux ni dad. We need to impress my brother’s girl. Yun ang sabi nya. Yeah right.

          Maya maya, nataranta na yung mga katulong.

          Andyan na sya.

          Pssh.

          Oo, cute. Pero not to the extent na paghahandaan namin ng ganito. Arg!! Naiinis ako.

          “bro” pinat ni kuya yung ulo ko. Tapos nagsmile sakin yung girl. Inabot ko yung kamay nya then hinalikan yung likod non. She even smiled more generously.

          Dinner. Everything was perfect. Mom was asking Ascy to stay for the night. Ineencourage pa na dun sya matulog sa tabi ni kuya!! WHAT?! Ano ba ang nangyayari dito?

          Nandito ako ngayon sa kwarto ni Kuya. I want to know what kind of girl that bitch is. Pagpasok ko, nashock ako. Weird. Nakasalampak sya dun sa sofa. Para normal lang na teenager. Nanunood ng anime. Na shock talaga ako. hunter x hunter?!!? You gotta be kidding me!!

          “Wahhh!!! Ang cute talaga ni Kilua!!!!” napatingin sya sa direksyon ko. “Felix!” she noticed me. Tumayo sya at lumapit sakin. Iba na yung suot nya. Mula dun sa eleganteng black tube cocktail dress, simpleng t shirt na parang kasya ata kay kuya atshorts. Sa haba nung shirt nya e dress na ang dating sa kanya. Lol. Weird ang babaeng to.

          “Ascy,” tawag ko sa kanya. “ang weird mo magdamit.” Sumama ang tingin ni Kuya sakin. Nu ba? Ngumisi lang si Ascy.

          “Secret lang natin yun!”

          “Na weird ka manamit?” ngumiti lang sya ulit tapos ginuyod ako dun sa kalooblooban ng kwarto ni kuya.  Nagbibihis si kuya non. Weird. Si Ascy palang ang naging karelasyon ni kuya na hindi interesadong panoorin syang magbihis. Weird talaga ang babaeng to.

          “tell me, Ascy. Yung totoo.” Naging seryoso yung expression nya. “ Mahal mo ba ang kuya ko o kayo lang dahil pinilit kayo ng parents nyo?”

          She pouted. “ Pinilit kami nung una. Pero own will ko na to ngayon.”

          “lahat naman ng babae own will na makasama si kuya. Lahat naman sila…” I looked down.

          “Ibahin mo ako. Alien ako eh.” Hinabol nya yung tingin ko. “di kami ng kuya mo dahil type ko sya. Kami kasi trip ko lang.” WHAT?! She’s worse than the gold diggers!!

          “What?!!?”

          biglang hinila ni kuya si Ascy. 

          “Felix.”

          It means stop.

          Ayaw na ni Kuya ng ganoong usapan.

          Ewan ko ba ha, but usually, hinahayaan nya ang ako na ‘makipagkulitan’ sa mga babaeng dinadala nya sa bahay. Parang protective sya sa Ascy na to?

          Sabagay. Weird din. Feeling ko si Mommy ang pumili sa girl na to. I guess sa ganito lang kami ia-acknowledge ni mommy. We’ll be married off for money’s sake. Stinks, right?

          “Ascy. Alam mo ba weekly magpalit ng gf yang si kuya?” Tumalim ang tingin ni Kuya sakin. Naupo sya dun sa sofa. “Tingin mo, gaano katagal bago nya pagsawaan ang bagong flavor of the week?”

          “Felix. Stop it.”

          “Ouch naman Faiel!” pumunta si Ascy sa tabi ni Kuya tapos sumalampak din sa sofa. “Makakaya mo akong pagsawaan? You’re so mean!!” tapos hinataw ni Ascy ng unan si Kuya.

          Psshh. Kung alam nya lang na hindi na tinatalaban si Kuya ng mga pagpapacute ng mga babae.

          “I know, tara nalang sa beach!! Isama natin yung Enzeru!!”

          “Enzeru?” untag ni Ascy.. na shock ulit ako. Meron pa palang babae na hindi alam ang tungkol sa grupong yun? Tao ba talaga to? Hmm alien nga siguro.

          “yung band nina kuya. Akala ko sikat na sila..I mean finifeature sila ng lahat ng media.”

          “Wow, Faiel!! May pa band band ka pa ah!! Ang galing naman ni Faiel!” My brother looks pissed.

          “Ascy. Tama na. as much as possible, ayokong magalit sayo. Kanina ka pa eh.” Ngumisi si Ascy. She wasn’t trying to be cute. She was trying to piss my brother off. Weird.

          “Basta, Tutal sabado bukas. Makakasama ka ba, Ascy?” ngumisi lang si Ascy.

          “Pero dapat kasama si Wind.”

          Sino naman yun? Pero pumayag na ako.

When the Guys they Fall for Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon