When the Guys they Fall for Fall in Love c6.1b

112 0 0
                                    

Felix POV

Nasa beach na kami. Ang weird kasi nagpahatid si Ascy pauwi ng 2 am…at 2 am nya pinatulog si kuya. Wala syang ibang ginawa magdamag kundi mangulit tungkol sa mga walang kakwenta kwentang bagay. 

Tapos nagpasundo ng 5 am para lang balikan yung ballpen na naiwan sa kwarto ni kuya, tapos nagpahatid ulit pauwi.

8 am ang usapan. Andito na yung Enzeru with Amasa syempre. Yung 2 babae nalang ang wala. Dahil nga nainip na kami kahihintay, nagswimming na kami..

Maya maya, dumating na rin yung dalawa.

          Tumakbo si Ascy palapit tapos dinambahan si Kuya. “FAIEL!! Did you miss me?!”  I heard my brother cuss.

          “Ascy, wala pa tayong 4 hours na hindi nagkikita.” Parang galit na galit pero pinipigil lang ni Kuya.

          “Hm.. Alam mo, Faiel, Feeling ko,” she paused, tapos tinignan nya yung katawan ni Kuya. Well, since required sa beach na to ang swimming attire, heto si Kuya, basa, half naked at naka swimming trunks na abot sa tuhod…  

“…dapat mag work out ka. Ang lakas ng loob mo magyaya sa beach eh wala naman akong ma sight seeing sayo..” 

...napatingin ako kay Kuya.

Wala naman akong makitang fats kay kuya.

Lean sya,with broad shoulders, Biceps, 6 pack abs at mind you, 17 lang sya.. walang masight seeing?! Eh kanina pa nga naglalaway yung mga babae dito sa beach kakatitig kay kuya. Me kayabangang taglay din ang Ascy na to ah.

          Ngumisi. “Joke lang.” nasa likod pa yung kamay ni Ascy na parang nagpapahiwatig na ‘good girl ako’. Ah, the irony!!

          “Ascy naman.” Umeksena na si Faji. Alam nun na hindi maganda pag putol ang tulog ni Kuya. Nasa bad mood yan. And trust me, hindi maganda pag nagagalit si kuya.

          “Ascy.”kahit yung kasama nyang babae, na sa tancha ko e yun yung Wind, sinasaway na rin sya.

          “Far.” Si Fairam, ayan, nakikialam na rin. Huminga ng malalim si kuya.

          “Don’t test my patience.” Banta ni kuya. Ngumisi lang si Ascy.

          “E ano ang gagawin ko dito sa beach kung hindi kita aasarin?”

          “Maghanap ka ng ibang aasarin.” Tapos umalis si Ascy.

When the Guys they Fall for Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon