When the Guys they Fall for Fall in Love c6.3

137 1 0
                                    

Wind’s POV

          Bakit ako nito hinalikan? Kame?

          “Ah eh, anjan kasi si Ascy. Gusto ko namang ipakita sa kanya na worthy akong bf. Hamak naman kasing mas magaling ako bilang bf kesa Far na yan!!” huh? Ano ang pinagsasabi ko?

          Lumingon ako. Ayon nga sina Ascy at Far.

          Wait.. ano raw? ‘Gusto ko namang ipakita sa kanya na worthy akong bf. Hamak naman kasing mas magaling ako bilang bf kesa Far na yan!!’ Wait, meaning may gusto sya kay Ascy?

          Wait, may gusto sya kay Ascy!?

E pano si Far!?

E paano si Faji!?

Hmm, I guess kun selos method yung gagamitin namin. Wait huh? Geh. Buti pa, makikisakay nalang ako sa laro nito.

Kung mag-on drama kami, sure, why not? Medjo type ko rin naman to eh.

Yun nga lang me pagka user sya..

          “Far, gising ka na pala?” Nakakagulat naman tong si Faji. Bumaba si Far mula dun sa bato tapos inalalayan niya si Ascy pababa. 

          “Kanikanina lang.” musta naman yun. Akala ko ba nangangain yun ng tao?

          “Ang sweet nyo naman!!” asar pa ni Ascy. Natuwa naman ako.

Kasi naman narealize ni Ascy na sweet si Faji.

Pero parang mas masaya ako kasi Sweet kami.

Ha? di ko gets ang sarili ko.

          Ang saya naman talaga. Ngayon, apat na kaming naghahabulan. Grabe!! Ang bilis pala tumakbo ni Faji. Si Far nalang ang humahabol kay Faji, grabe, ang bilis nila!!

          “go Faiel!!!” siaw ni Ascy. Naki cheer nalang ako, teka. Unfair naman kung si Far di ang ichicheer ko.

          “Go Faji!!”

          Wow!! Biglang bumilis pa lalo si Faji!! Pakitang gilas ata oh!! Naks!! Super super speed na!! ang cute nya!

          “Hoy, Faji!!! Adik!!” hingal na ata si Far… Nakihabol ako.. Haha!! Fastest Runner ako ng batch namin!!

          Paliko sila so medjo palapit samin nina Ascy. Nung malapit na sila, nakihabol na ako. Di ko akalain na mas mabilis pa ako kay Far. Wow. Ang bilis ko talaga. Konti pa at maabutan ko na si Faji. Kanina siguro jogging lang yun. Ngayon, eto yung takbo nya!

          Tinalon ko nalang yung distansya namin. Mas brutal version nung salubong ni Ascy kay Far kanina.

Hahaha! Dahil sa speed, nagpagulong gulong tuloy kami sa buhangin. Haha!!

          Puro buhangin kami ni Faji ngayon. Mejo hilo pa ako sa pagpapagulong gulong namin.

“hey, Are you okey?” Mukhang alalang alala si Faji.

Tumaboy sa mukha ko yung buhok ko…

Hinawi nya yun tapos inipit sa tenga ko…

hindi ako nakaimik kaagad.

Ramdam ko yung pamumula ng pisngi ko…

Ngumisi nalang ako.

          “Yup. Medjo hilo lang.” Inalalayan nya akong tumayo.

          “Ayiee!!” ito talagang si Ascy oh!!

          Hanggang sa ginabi na nga kami sa beach. Ha'ay nako, yun nag iinuman sila. Kami ni Ascy, nakikidale din. Though pinagbawalan ni Far na uminom si Ascy, e yung isa nagpumilit. Napilitan tuloy yung mga lalaki na bumili ng redwine para makainom din kami. Haha!

          Mataas pala ang alcohol resistance nitong tatlo. As of now, solo ko na yung wine. Soda na yung binanatan ni Ascy at yung pulutan halos sinolo na. haha! Takaw talaga. Ewan ko ba kung bakit.Parang hindi tinatalaban ng espirito ng alak. Haha!!

          “Wind, lasing ka na ata. Tumatawa ka mag isa eh.” Noon lang ako natauhan. Nakatulala nanaman pala ako. Si Faji talaga, napansin pang tulala ako.

          “Ahahaha! Di pa no!!” Naka ilang shots pa ako. Ang sarap kainuman nung tatlo. Haha!

When the Guys they Fall for Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon