When the Guys they Fall for Fall in Love c2.1

238 4 3
                                    

CHAPTER 2

Wind’s POV

          Agang aga biglang nagtext si Ascy saken. “Wind, see you at school tom. Haha Kaklase na kita bukas!! Mga break time na siguro ako papasok.”

I was soooo excited!! Ang saya saya kaya!! Haha napaka extreme kasi ng buhay kapag andun si Ascy.. Tulad kahapon.. Hmm. Somehow I get the feeling na familiar sakin yung mga lalaking naencounter namin kahapon.. hm.. schoolmate siguro. I swear I’ve seen them before!!

Pagdating ko sa school, Nagbubulungan yung mga tao. Ewan ko ba kung ano ang meron basta feeling ko sakin sila nakatingin.. wala naman akong ginagawang mali, diba? Wala nga ba? 

Nagulat talaga ako nung bigla akong hinarang ng tatlong Wonder girls.. Hmm Wonder girls lang ang tawag ko sa kanila because I wonder how they got so big. Malalaking tao talaga ang mga wonder girls! Sila ang leader ng fans club ng ENZERU. Yun yung school band namin.. super cute nung mga members nun at sikat din sila sa internet!! Kahawig nga nila yun mga… aw stupid..

Bigla nalng akong iginapos ng mga Wonder girls. Andito ako ngayon sa banyo. Nakagapos sa isang upuan at walang ibang magawa para makatakas. Arg. Pinagdodrawingan nila ang mukha ko!! ARG!!!AT MARKER PA HA!! MARKER!!

Ah.. ang hirap talaga.. di bale. Konti nalang at makakawala na ako..

“ Bakit nyo ba ginagawa sakin to?” I’m trying to buy time.

“Dahil we don’t think that you are worthy.” Sabi ni Pink. konti pa.. konti pa…

“Worthy na?”

“Girlfriend ni Faji!!” biglang ipinakita sakin ni Pink yung laptop nya.

 Nakaopen yun sa homepage ng weowntheenzeru.com. Website yun ng mga babaeng adik sa enzeru.. a.k.a yung mga lalaking napagtripan namin ni Ascy kahapon. Sinasabi ko na nga ba’t nakita ko na sila dati eh!

Si Faji… Faji(Apilyido ni Faji) yung ginuyod ko… tapos ngayon ko lang naalala… Kahapon ko p tinititigan yung billboard… sabi ko familiar yung model don… then it strike me… it was actually Far!! Yung napagtripan ni Ascy! Then yung dalawang lalaki, yung may orange highlights, that was Felix Realga. Yung isa pang matangkad, si Prince Fairam!!!

Tinignan ko yung laptop…yung picture don na halos sumakop na sa buong screen.. AW Shocks!! Yung mahiwagang kissing scene namin ni Faji!!! ARGG!!!

“Inggit lang kayo!!” I need to buy some more time!! Konting konti nalang eh!

Kumakaripas ako ngayon ng takbo. Ewan ko kung gaano na ako katagal nakikipag hide and seek sa mga members ng WOTEC o We Own The Enzeru Club. Kanila rin yung website. Ah by the way. Ako ang fastest female runner ng school!! Pero kahit ganon. Ano ang laban ng bilis ko sa pagtakbo kung 1/3 ng girl’s school population ay member ng WOTEC?!!? SYEMPRE WALA!! Naisip kong umuwi nalang. Kaso, don sa may exit nakita ko si Ascy. Pinagmamasdan nya ang school.

“ASCY!!!” Mukhang na sense nya agad ang mga masasamang elementong humahabol sakin. Kumaripas agad si Ascy.. Ayaw atang madamay sa stampede eh.. Too late, damay na sya.

When the Guys they Fall for Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon