When the Guys they Fall for Fall in Love lost chapters 4

75 1 0
                                    

Lost Chapters

          “Dante, nakikita mo ba yun?”

natanaw ni Dante ang tinuturo ng mga kasamahan.

          “Isang kuna?” binalingan nya ang mga kasamahan. “ilapit nyo ang bangka.”

          Tuwang tuwa ang mga mangingisda sa kuna na napapalamutian ng mga mamahaling bato at ginto. 

          “Mayaman na tayo!!!” tuwang tuwa sila.

“Dante, ikaw, ayaw mo ba talaga makihati?” paninigurado ng isa.

“Hindi na. Basta ipangako nyo sa akin na walang makaka alam ng tungkol dito.” Niyakap nya ang natutulog na sanggol.

“Matutuwa ang mga asawa natin nito sa iuuwi nating ginto!” isa isang inalis ng mga lalaki ang mga palamuti ng kuna.

“Tama… Siguradong matutuwa siya.” Napangiti si Dante habang iniisip ang maaaring maging reaksyon ng baog nyang asawa oras na iuwi niya ang napulot na bata. “Matutuwa ng husto ang mommy mo.” Binalingan niya ang sangol.

When the Guys they Fall for Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon