When the Guys they Fall for Fall in Love c22

68 1 0
                                    

CHAPTER 22   

    Iniabot ko na kay Wind yung kwintas…

    Then binawi ko. Ako yung nagsuot sa kanya.

    “Faji..” she looked at it. “You didn’t have to buy an expensive lace for it.”

    “Wala yun! Ahahaha!!”

    Dito muna kami nagpalipas ng gabi sa condo ni Far.

    Ang weird, maypagka loner din pala yun.

    Paano ko nasabi? Aba!! Iisa lang ang kwarto!

    Halatang ayaw tumangap ng bisita ah!

    “Ang kalat.” Komento ni Wind. Syempre makalat. Wala naman si Far sinabi na dito kami magpalipas ng gabi. “Ang weird. Parang bat cave. Haha!!”

    “Bakit naman bat cave? Dahil kulay batman?” black, blue at gray lang ang kulay ng mga gamit dito.

    “Hahaha!Pwede!! Pero dahil yun sa mga secret compartment at sa mga modern gadgets dito. Hahaha!” tapos kung saan saan sya nagtatap tapos may bumubukas na mga compartments.

    Nagluto si Wind. Namili kasi kami kanina bago pumunta dito.

As expected from Faiel Realga, Walang lamang pagkain ang ref at wala ring lamang pagkain ang cabinet. Ulol talaga yun. Sabagay. Lagi naman syang hunger strike kapag may kinakalikot. Kapag nagsimula yung magbutingting ng mga microchip nya eh ni chippy hindi yun kumakain…

    “WAh!!!” tumakbo ako papunta sa kusina.

    “What happened?”

    “Wala naman.. nagulat lang ako. Ang weird kasi… Paano ba to?” umuusok yung sa tingin ko ay rice cooker.

    “Wait, Wind, hindi yan rice cooker!!!” at biglang namatay ang kuryente. “Isa siguro yan sa mga laruan ni Far… I think the fuse burned out.” Lagi kasing ganito ang nangyayari kapag nagagalaw ang mga ‘laruan’ nya… Nagbabrown out.

    “Wah.. sorry..”

    “Hayaan mo na, Ako na ang magpapaliwanag kay Far.”

    We are having dinner with candle light. Romantic no? Hindi ko magets kung paano paaandarin yung generator..yata..  dito

    “Ang weird talaga ng bahay na to.” Niligpit ko yung ibang kalat kanina… in short, itinago sa mga ilailalim ng mga bagay na nakaangat.

    “buti nalang nakabukas yung mga pinto kanina.” Ngumiti si Wind.

     Buti nalang talaga.

    Electronically operated lahat sa apartment na to. Kasama na yung mga pinto. Buti na nga lang at yung tubig ay hindi.

    “Imaginin mo kung nakulong tayo sa kusin kanina haha!” napansin ko na hindi parin kumakain si Wind,

    Actualy nakatitig ang kami sa pagkain.

    “What’s wrong?”

    “kinakabahan ako. Hindi ako sure kung magugustuhan mo yung luto ko.” Ngumiti lang ako.

    Kung alam lang ni Wind.. Na kahit lasang goma to, uubusin ko parin,.. sya ang nagluto eh! Hindi naman ako kasing pihikan ni Far na ayaw kumain kapag hindi pang atleast 3 star restaurant ang lasa. Hindi rin naman ako kasing arte ni Fairam na kapag weird ang hitsura ay ayaw na. I’m a normal kid… Just filthy rich.

    Sumubo ako ng isa. “Ang sarap naman eh! Sa lagay na to, na insecure ka pa?” sumubo ulit ako. Ngumiti sya.

    “Buti nagustuhan mo.”

When the Guys they Fall for Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon