When the Guys they Fall for Fall in Love c6.2

114 1 0
                                    

Faji’s POV

          Bad mood si Far. Umalis si Ascy at heto si Wind, hindi alam kung susundan si Ascy o hinde. Pinigilan ko sya. Ewan ko kung bakit pero parang ayaw ko lang na umalis sya.

          “Bakit Faji?”

          “Ah.” Nagdahilan nalang ako. “Gagala kayo ni Ascy dito sa beach na ganyan lang ang suot? Okey ka lang?”

          “Kasalanan naman to ni Ascy eh!” nagdabog na parang bata si Wind, Then she pouted. Kawaii! Cute “at alangan namang hayaan ko si Ascy na mag liwaliw mag isa?”

          “Babalik yun. Hindi ka nun matitiis.” Ngumiti sya. Ang Ganda nya talaga.. ah I mean ang cute nya magsmile.

          Namalayan ko nalang pabalik na si Ascy dito. Tsk. Naku!! E mukhang tulog na si Far. Masama pa mandin pag napuputol ang tulog ng nilalang na to. Nagiging monster.

          “hoy Faiel!!!” biglang tinakpan ni Amasa ang bibig ni Ascy.

          “Wag!! Nagiging monster yan pag napuputol ang tulog. Isang super scary yet super hot na monster!!!” banta ni Amasa.

Nakawala si Ascy.

Lumapit kay Far.

PATAY.

This time ako ang pumigil sa kanya.

          Parang yakap ko si Ascy mula sa likod.. yun, parang ganon. Pumipiglas sya. Ang lakas!! Kala ko ba babae to? Di ko naman masyadong mapwersa to kasi nga babae. Di ko rin naman pwedeng pabayaan dahil, naku, baka makain to ng buhay ni Far.

          “Bitaw!!”

          “SHHH!!!” sabay sabay kami. Nakawala si Ascy.

          “Pease don’t wake him up!” Natataranta ako. I remember the time when ginising nung math teacher namin si Far… aw.. Ascy.

          Lumapit si Ascy kay Far. Nataranta lalo kami nung biglang hinataw ni Ascy si Far ng isang magazine.

Stupid!!

Umirit na si Amasa.

Tapos kumuha si Ascy ng towel at idiniin sa mukha ni Far, papataying na yata. AHH ang stupid talaga!!

Nagsimula na pumiglas si Far.

Patay, gising na sya.

Shet.

Umurong kami. By instinct, hinila ko si Wind papunta dun sa may likod ko. Yae na ako ang matamaan wag lang.. ah.. hindi, nagpapaka gentleman lang naman ako.   

          “Pano ba si Far magalit?” Narinig ko si Wind. Medjo nag-aalala na ata siya.

          “basta hindi maganda.”

          Biglang bumangon si Far. Napamura na ako. Inalis nya yung towel sa mukha nya. Seryoso si Far. Pigil namin yung hininga namin. Kahit si Amasa natahimik at nagtago sa likod ni Fairam.

          “Ascy. Please. Patulugin mo muna ako.” Di parin ako humihinga. Any time sasabog ang Bulkang Mayon.

          “Diba pwedeng mamaya nalang? Samahan mo muna akong mamasyal!” tapos ngumiti si Ascy na parang okey lang ang lahat. Ok lang ang lahat?! Samantala pigil ko paring yung paghinga!

          “Ascy, please.”

          “I just want to spend some time with you..” she pouted.

When the Guys they Fall for Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon