Fear of getting caught (Her POV)

8 0 0
                                    

Since the cat is out of the bag I will use their real identify aside from the other unknown character.

Although I still have some tricks under my sleeve so no need to worry about getting bored.

Sit back and enjoy their journey on figuring whose the real thief.

...............................................................................................................................................................................................

G's POV

(An hour bago siya bumisita ky CM)

Sa hindi malaman na dahilan eh nandito ako sa lugar kung saan nagsimula ang lahat.

Ang nakaraan na pilit kung nililimot.

Na pilit kung tinatalikuran.

Pero sadya nga sigurong totoo ang sinasabi ng iba na kahit anong gawin mong pagtakbo ay hindi mo pa rin tuluyang matatakasan kung saan ka nang-galing dahil parte ito ng iyong pagkatao.

Kaya ito ako ngayon matapos ang halos tatlong taon na pag-iwas ay nandito nanaman ako kahit alam ko na hindi pa ako tuluyang babalik  sa dati.

"hmm..wala pa ring pinagbago ang lugar na ito ah?"malakas na sabi ko

"Lady Boss!"masayng sabi nila sabay tayo para bigyan ako ng yakap o di kaya tapik sa balikat.

"Himala napadpad ka yata ngayon dito sa pugad. May problema ba?"may halong pag-aalala ang tinig na tanong ni L sa akin.

"Nah wala naman medjo na-miss ko lang kayo at na-bobored na ako sa pagiging mabait at mahinhin"sabi ko sabay kindat.

"Ha!ikaw mabait?kailan pa?!na-bobored siguro pwedi pa pero ang pagiging mabait impossible!"natatwang sabi ni L

"Aba ano ang tingin mo hindi na ba talaga ako pwedi maging mabait?"galit galitang sabi ko.

"Naman tol alam nating impossible ang pagiging anghel mo. Sa brusko mong gumalaw at manalita at lalong lalo na sa napaka-ikli ng iyong pasensya tiyak na hindi tatagal ng isang buong araw ang pagiging "mabait" mo. Kilala kita at alam mong totoo ang sinasabi ko, kaya sige na sabihin mo na kung ano ang problema?"seryoso namang sabi niya

"Oo nah ako na ang brusko pero seryoso gusto ko lang talagang humagap ng preskong hangin dahil masyado ng nakakasawa ang manatili sa mundo ng mga mayayaman."walang anumang sabi ko

"Kung iyan talaga ang totoo basta kung kailangan mo ng kausap alam mong nandito lang ang tropa para sa iyo."sabi nito alam ko na may pagdududa pa rin sa utak nito pero wala na itong magagawa kung ayaw kong mag-bigay ng iba pang detalye sa kanya.

At gaya nga ng sabi niya kilala niya ako at alam niya na kung handa na ako ay ako mismo ang magsasabi sa kanya.

"So ano na ang balita?ano ang pinagkakaabalahan niyo habang wala ako"pag-iiba ko sa usapan habang prenteng naka-upo sa lumang sofa na "hiniram"namin sa abandonadong bahay sa may kanto. 

Kung iisiping mabuti wala pa ring pinagbago sa lugar na ito. Simula noong nakita namin ito at pinasyang gawing tambayan ay ganoong pa rin ang hitsura nito.

Pugad iyan ang tawag namin sa lugar na ito. Lugar kung saan pwedi kaming maging totoo.

Pweding magwala pag-kami ay galit, pweding sumigaw at tumawa ng malakas pagkami ay masaya at lalong lalo na ang pwedi ang umiyak ng tahimik pag-kami ay nasasaktan. 

Dito walang mang-huhusga sa iyo dahil pare-pareho kaming may mga malalim na sugat na pinipilit naming gamotin sa pamamagitan ng pag-ramay sa isa't isa.

heart thief-updatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon