Anthony 's POV
"what??"pasigaw kong tanong matapos kong marinig ang plano ni CM,sino ba naman ang hindi mapapasigaw sa nakakalokong plano ng lalaking ito..akalain mo bang sabihin niyang siya ang haharap sa tumatayong leader ng grupong gustong humamon sa amin na sa pagkakaalam ko eh walang alam gawin kundi ang mandaya..
"oh bakit parang gulat na gulat ka,eh hindi lang naman ito ang unang beses na naghamon ako sa leader ng grupo ah dahil kung naaalala mo boss hinamon din kita at konting konti nalang eh matatalo na kita kundi pa dumaan at nakipaglandian ang pusa na iyon sa gitna ng daan..arrrg!"naiirita niyang pag-papaalala sa akin sa nangyari noong nakaraang taon.
Totoong malapit niya akong matalo ng minsang hamonin niya ako ng karera noong isang taon dahil hindi ko siya pinagbigyan sa gusto niyang mangyari na labanan namin ang isang member ng mighty expedition sa isang unofficial match dahil sa tingin niyang hind makatarungan na pambabastos nito sa isang babae sa parking area..pero hindi ko siya pinayagan dahil sa tingin ko hindi sapat na rason iyon para sa isang unofficial match na pweding humantong sa mas malaki pa na kagulohan pag-nagkataon,ngunit masyadong matigas ang ulo nitong si CM at ayaw magpatalo kaya para masunod kung anong gusto niya ay hinamon niya ako kapalit ng pag-siya ang nanalo ay hindi ko siya pipigilin pero pag-oras ako ang manalo ay ililibre niya ako ng almusal sa buong isang linggo at isang set ng kuryakyn 834 bluetooth sound of chrome speaker assembly na matagal ko ng gustong mapasaakin.
Kaysa naman gumastos pa ako ng 469.99 dollars ay pumayag ako dahil alam ko naman na mananalo ako kahit pa na si CM ang pinaka-mahusay pagdating sa superb throttle control na hindi madaling matutunan liban pa sa magaling din siya sa pag-control at paggamit ng rear-brake niya na siyang parating nagiging dahilan ng pagkapanalo niya sa ibang mga laban namin..pero sa pagkakataong ito ang dalawang tactics niya ang naging sanhi ng pagkatalo niya sa akin sa tulong na rin ng malanding pusang sinabi niya..dahil nga sa nabigla siya pagsulpot ng pusa ay naging tensyonado ang kanyang postura na siyang nka-apekto sa pagcontrol niya sa throttle niya at sa pagtapak niya ng mas madiin sa kanyang rear break na naging sanhi ng pag-hina ng takbo niya at muntik pa niyang pagka-disgrasya..
Kaya iyon ako ang panalo at halos isumpa at katayin niya ang pusa ng dahil lang doon..
"talagang hindi ko naka-kakalimotan yan na hinamon mo ako at gaya ng sinabi mo "muntik na matalo"pero hindi natalo ibig sabihin hindi ka pa handa para humarap sa leader ng grupong iyan dahil hindi mo pa ako natatalo at iyon ang kasunduan CM"
"p*tcha naman anthony..ni hindi mo na nga ako pinalaban noong isang linggo hanggang ngayon ba naman wala ka rin bang plano palabanin ako,eh ano pang-silbi at nandito ako kung uupo lang naman pala ako??anong gusto mo gawin akong cheerleader mo?!!"halos bumuga na ng apoy na sabi niya..
"hep hep wag mo akong sisihin kung bakit hindi ka naka-laban last week dahil sa pagkakatanda ko ikaw ang nkalimot sa oras at huling dumating kaya wala akong kasalanan doon,tsaka hindi ko naman sinabi na hindi ka lalaban ang sinabi ko lang na hindi sa leader nila..4 na laban ang mangyayari CM kaya hindi kailangan na sa pinuno ka talaga lumaban."
"tama nga naman c anthony CM hindi dapat na sa pinuno ka lumaban tsaka bakit ba gustong gusto mo siyang kalabanin ha??may atraso ba siya sa iyo??"sabat ni blade sa usapan ng siguro ay hindi na siya makatiis sa hindi matapos tapos na usapan.
At lahat kami ay napatingin sa kanya dahil sa sinabi ni blade..
..................................................................................................................................................................................
G's POV
Asan ka na bah CM??tanong ko sa sarili ko..oo kinakausap ko sarili ko pero hindi ako baliw nag-aalala lang dahil tinawagan ako ng papa ni CM ilang sandali pa lang ang nakakaraan dahil hindi niya makontak si CM kaya sa akin siya tumawag at tinanong kung bakit wala sa opisina niya ang magaling kong pinsan..kung hindi ba naman kasi pasaway tong pinsan ko at pinatay ang kanyang cp ng hindi man lang nag-sasabi kung saan lupalop siya mag-pupunta..hay..ako pa talaga ang nalalagay sa alanganin.
BINABASA MO ANG
heart thief-updated
Randomshe is ugly?! he is handsome.. men hates her women loves him she hates men he loves women she has dark secrets he is an open book,everyone knows him she's a thief he's the victim how can the victim capture the thief?? how can the victim turn into th...