CHAPTER ONE
PAPASOK pa lamang ng library sina Geraldine
at Cathy ay nasalubong na nila si Mrs. Nora Reyes.Ang nasa katanghalian pa lamang gulang na
babae ay ang matagal nang librarian sa Capitol
Institute."Good morning, ma'am," bati ni Geraldine nang
magkasalubong sila sa may pinto."Good morning," anang babae na ngumiti sa
kanya nang may fondness sa anyo.Isang bagay iyon na nakasanayan na niya
sa halos lahat ng kakilala sa Capitol. Ang sabi nga
ng best friend niyang si Cathy, magaan daw ang
loob sa kanya ng mga tao dahil nag-aanyaya ng
ngiti ang ganda niya. A beauty that brightens
anyone's day. Na-oa-an pa nga siya noon sa kaibigan
dahil palagay niya ay sobra ang naging pamumuri nito."Magmemeryenda na kayo, ma'am?" tanong ni Cathy kay Mrs. Reyes.
"Oo. Pero sa labas na. Sa amin na."
Alam nila, malapit lamang sa Capitol ang inuuwian ni Mrs. Reyes.
"E, kayo? tanong nito na ang ibig tukuyin ay kung nagmeryenda na sila.
"Tapos na, ma'am. Sa canteen kami kumain."
Tumango ang babae pagkuwa'y dumeretso nang
palabas. Huminto lamang ito nang may maalala."Geraldine..." tawag nito.
"Yes, ma'am?" Nilingon niya ang babae.
"May sulat ka nga pala. Kadarating lang. Hindi ko pa nga naililista sa board, Kung gusto mo'y hingin mo na kay Miss. Liomco. Sabihin mong ako'ng nagsabi sa 'yo."
"Yes, ma'am. Salamat ho."
Tumuloy na sa pag-alis ang librarian.
Deretso si Geraldine sa isang mesang may pang-apat ang upuan.
"Hoy, hindi mo ba kukunin ang sulat mo?" paalala sa kanya ni Cathy.
"Huwag na lang," tinatamad na sabi niya.
Humila siya ng isang silya at naupo.
"Anong huwag na lang? Malay mo kung kanino
galing 'yon?" Umupo na rin si Cathy."Alam ko na naman kung kanino galing 'yon e,"
"Kanino?"
"Sa nagpapa-mysterious kong admirer."
"A, si double M?" Napangiti nang maluwang si Cathy. "Di kunin na rin natin. Masarap namang basahin ang love letter niya, e."
"Tapos e mag-iisip ako kung sinong herodes 'yon. Huwag na lang."
"Pakikilala rin 'yon."
"Pwes, pag nagpakilala siya, saka ko na siya pag-aaksayahan ng panahon. Kung dapat ko nga siyang pag-aksayahan ng panahon, ha?"
"You mean, kapag guwapo o me sinabi?"
"Siyempre naman, 'no?" Nagbukas siya ng isang libro para magsimulang magbasa.
"Pa'no kung totoo ang hula ko na ang kaklase nating si Baldomero ang nagpapadala sa yo ng mysterious letter."
'A,' yan ang malinaw na mag-aaksaya talaga ako ng panahon kapag pinag-ukulan ko siya niyon, 'no? " biro niya.
Napahagikhik si Cathy pero pigil. Wala nga ang librarian nila ngunit naroon ang assistant na si Miss. Liomco at mas mahigpit ito at istrikta sa loob ng library.
BINABASA MO ANG
ANG UGLY DUCKLING - HELEN MERIZ (COMPLETED)
Teen FictionHanggang ngayon ay taglay pa rin ni Geraldine ang palayaw na ibinansag sa kanya noon ng playmate na si JR. Ducky. Dahil noong mga bata pa sila, siya'y masasabing isang ugly duckling. Pati sa sarili'y hindi makapaniwala si Geraldine na magiging magan...