CHAPTER TWO
"DUCKLING!"
Hindi tiyak ni Geraldine kung siya ang tinawag ng ganoon ng mga kaklaseng lalaki na nangakaupo sa lilim ng isang puno. Pero dahil siya lamang ang nagdaraan noon sa tapat ng tatlong nasabing kaklase,lumingon siya.
"Ako ba'ng tinawag n'yong dokleng?" may galit agad sa tanong niya.
"Ang sabi ni Louie," ani Hector na pinakabuskador sa grupo, "duckling. Hindi dokleng."
"Ako'ng tinawag n'yong duckling?"
"Para kasing ikaw 'yong nasa fairy tale na binasa sa atin ni Miss Salinas kanina, e. 'The Ugly Duckling'."
Hagikgikan nang parang nakakaloko ang grupo.
"Isusumbong ko kayo ke Ma'am," naiiyak at napapahiyang sabi niya.
"Aba, dapat e si Sir JR ang isumbong mo," sabi naman ni Jerry.
"At ano naman ang kinalaman niya?"
"Narinig niya kasi kaninang bago kami mag-drill, nagkukuwentuhan kami tungkol sa inistoryang
fairy tale ni Miss Salinas. 'Yong' Ugly Duckling'
nga. Tapos, natawa siyang parang me naalala. Nang tanungin namin, ang sabi nga, para raw palang
ikaw 'yong nasa istorya."Natigilan siya. Hindi siya makapaniwalang
magagawa iyon sa kanya ni JR. Kapitbahay
nila ito. Kaklase at kaibigan ng Kuya Patrick niya.Kilala si JR sa buong school dahil master ito sa scout patrol.
"O, heto na pala si Sir JR, e," sabi ni Gerry.
Napalingon siya sa tinitingnan nitong
direksiyon.Palapit nga si JR, matikas na matikas sa suot na boy scout uniform. Pero kung dati ay lihim siyang humahanga sa maganda nitong pagdadala ng damit, ngayon ay pinakabaduy ito sa tingin niya dahil sa inis na nadarama.
"Sinabi mo nga ba sa kanila na parang ako 'yong nasa istoryang The Ugly Duckling?" galit agad na salubong niya sa 13 taong gulang na kapitbahay.
Nabigla si JR pero agad napangiti. "A, iyon?" ang sabing nagkakamot sa ulo. "Nagbibiro lang ako."
"Ang yabang mo!" sabi niya nang marinig ang pag-amin ng kaharap.
"E, kasi naman kahit paano ka na lang mag-ayos kapag pumapasok sa school. Minsan, parang hindi ka man lang nagsuklay. Saka...... "
"-- ang payat-payat mo!" dugtong ni Hector na bumubungisngis.
Mangiyak-ngiyak na siya nang harapin ang
nagtatawanang grupo."Ang yayabang n'yo!"
tungayaw niya. "Kala mo naman kung sino kayong
pagkaguguwapo!""Tama na," saway ni JR sa Tatlong nagtatawanan nang mahalatang malapit nang mapaiyak si Geraldine.
"Sasaway-saway ka pa e ikaw ang nag-umpisa nito!" naluluhang sabi niya kay JR.
"E, Geraldine --"
"Isusumbong kita sa tatay mo!" Pumapatak na ang luhang tumakbo siya palayo.
"Hala ka," narinig niyang sabi ni Hector kay JR, "magsusumbong daw si Ducky."
Malutong ang naging kasunod niyon na tawanan at ewan lang niya kung nakihalo roon si JR.
UGLY Duckling.
Ang sakit naman sa tainga. Gano'n na ba siya kapangit sa tingin ni JR at ng mga kakilala?
Bumangón siya mula sa kama at binistahan ang sarili sa harap ng tokador. Parang hindi agad niya nakilala ang sarili dahil sa sobrang pamamaga ng kanyang mga mata. Namumula pa ang kanyang ilong. Kanina pa kasi siya umiiyak mula nang dumating sa bahay. Kanina pa sinusuntok ang unan at minumura si JR.
BINABASA MO ANG
ANG UGLY DUCKLING - HELEN MERIZ (COMPLETED)
Teen FictionHanggang ngayon ay taglay pa rin ni Geraldine ang palayaw na ibinansag sa kanya noon ng playmate na si JR. Ducky. Dahil noong mga bata pa sila, siya'y masasabing isang ugly duckling. Pati sa sarili'y hindi makapaniwala si Geraldine na magiging magan...