CHAPTER FIFTEEN
BIGLANG-BIGLA ay nawalan sa kanya ng kulay ang buong selebrasyon. Kung hindi lamang inaalala ang ibang taong nasa paligid at malaki ang itinulong para maluklok siya sa kinalalagyan ay ni hindi siguro niya makukuhang ngumiti man lamang habang ipinaparada.
Umiiyak ang puso niya.
Nagdaramdam.
Maging nang kinokoronahan na siya ay wala siyang sigla. Pilit na pilit lamang ang kanyang mga ngiti.
"Cheer up sis," bulong ni Patrick nang maupo
siyang muli sa malaking silyang laan sa kanya
sa gitna ng stage. "It's not the end of the world yet."Takang napatingin siya rito.
Kinindatan siya ng kapatid.
Alam nito ang ipinagsisintir niya.
Híndi niya alam na may iba pang bilang sa programa kaparis n pagpapakita ng sayaw ng ilang kabataan sa kanila sa Villa Sabina. Ang pag-awit ng isang binatilyo na ala-Michael Jackson daw.
Tuwang-tuwa nga ang mga manonood. Pero siya'y
hindi makadama ng kasiyahan sa dibdib.Sinira ng hindi pagdating ni JR ang okasyong ito para sa kanya.
Sa huli, ang pangwakas na pananalita ng presidente ng organisasyon sa kanilang subdibisyon, nagpapasalamat sa lahat ng naroon. Inanunsiyo rin nito na rmagkakaroon ng libreng pa-disco sa lugar na iyon
mamayang alas-diyes ng gabi.Hindi na gaanong interesado roon si Geraldine.
Ang gusto na lamang niya ay makababa ng entablado, makauwi at magkulong sa loob ng silid.
Doon, malulunod niya ang sama ng loob nang walang
nakakaramdam.Nang matapos sa pagsasalita ang presidente nang asosasyon, inalalayan na siyang bumaba ng stage ni Patrick. Unti-unti na rin namang nawawala ang mga
taong nanonood kanina sa ibaba. Napansin niyang
kausap ng mga magulang si Miss Reyes at ilang teachers niya sa Capitol.Ingat na ingat siya sa pagbaba sa hagdan sa
takot na matapakan niya ang dulo ng gown at mahulog siya. Hindi niya inaalis ang tingin sa mga baitang na waring. mahuna ang pagkakapako kaya
hindi niya napansin ang nag-aabang sa kanya sa
ibaba."Allow me," ani JR na nakatingin kay Patrick,
inaako ang pag-aalalay kay Geraldine.Bigla ang pagtataas ng tingin ng dalaga.
Si JR ang nasa harap niya, makisig na makisig sa suot na long-sleeved polo at itim na pantalong pormal.
"May I?" nakangiting sabi nito nang aabutin ang kamay niya.
Halos magsikip ang díbdib niya sa kaligayahan.
Kung hindi niya nakontrol ang emosyon, napaiyak
marahil siya sa sobrang katuwaan."D-dumating ka rin," aniyang di makapaniwala.
lnalalayan siyang pababa ng binata.
Kay-ganda ng naramdaman niya sa pagdadaop ng kanilang mga balat.
"Pinilit kong maisingit ang pagpunta rito kahit
mahigpit ang commitment ko."Hindi na niya itinanong kung anong commitment iyon. Ang importante'y narito si JR.
"Nangako ako sa 'yo, di ba" ani JR.
Sa pandinig niya, may suyong hatid ang pagkakasabi niyon ng binata.
"A-ang akala ko...akala ko...? "
"Tama pala si Ceto. You look so beautiful now. You look like a princess."
Napayuko siya. May mainit na pakiramdam na idinulot ang pamumuri ni JR at parang gusto niyang mag-blush.
Kahit naman paano, nakita siya nito sa kaanyuang gusto niyang makita nito.
NAGKAKAINAN na sila sa kanila nang marinig nila ang malakas na pagpapatugtog ng disco music sa lugar na iniwan nila kanina. Tandang
magsisimula na ang sayawan o maaaring nagsisimula na nga. May naririnig din silang mga tinig na nagkakatuwaan."Ano kaya kung mag-disco tayo? sabi ni Patrick na kay JR nakatingin.
" Oo nga," pagsegunda ni Ceto.
Napatingin si Geraldine kay JR. Gusto niyaang ideyang pagdi-disco nang kasama ito.
Hindi lamang niya alam kung sang-ayon ang lalaki o
walang maagang comnitment bukas.Nakapagpalit naman na siya ng damit at naka-formal ang attire niya. Puwedeng pang-disco na puwede rin namang kaagapay ng pormal na suot ni JR.
"Why not!" nangingiting sabi ni JR na bumaling sa kanya. "Sige."
Nagdiwang nang lihim ang kalooban.
Makukumpleto pala ng kaligayahan ang gabi niyang ito.
KARAMIHAN sa mga nakita niya sa diskuhan ay
mga kakilala niyang kung di man taga-Villa Sabina
ay taga-Capitol naman.Si Cathy na lamang ang hindi niya makita.
Gusto pa naman niyang ipakilala rito si JR. Naisip
niyang sa kaguluhan marahil kanina ay hindi na
lamang nakapagpaalam sa kanya ang kaibigan.Sabagay ay hindi naman pinapayagan si Cathy na
maglalabas ng bahay kung gabi na.Naisip niyang sa ibang pagkakataon na lamang
niya maipakikilala ang kaibigan kay JR.Pansamantala, i-erjoy-in muna niya ang presence
ng binata ngayong gabi.SA kanyang panlulumo, hindi rin naman sila gaanong nagkalapit ni JR nang gabing iyon. Minsan lamang siya nitong isinayaw at pinilit pa ng Kuya Patrick niya, Disco musiç pa samantalang ang gusto sana niya, sa sweet music siya isayaw ni JR.
Pero lagi na'y nakatingin lamang ito sa kanila ni Ceto na siyang laging nagsasayaw sa kanya.
Kaya marahil marami sa mga kakilala niya ang nailang na kunin siya. Nag-aalalang may ka-partner siya.
Lalo lamang siyang nabuwisit nang digahan ni Ceto habang nagsasayaw sila ng sweet. Bahagya pa nga siyang kinabig at parang binulungan sa tainga.
"I love you, Gretchen," anito.
"Hindi Gretchen ang pangalan ko," inis na sabi
niya sabay bahagyang tulak dito para magkalayo ang mga katawan nila. "Saka, ilang beses ko bang sasabihin sa iyong hindi tayo talo?"Natigilan si Ceto at waring na-offend sa blangkahang tugon niya.
BINABASA MO ANG
ANG UGLY DUCKLING - HELEN MERIZ (COMPLETED)
Dla nastolatkówHanggang ngayon ay taglay pa rin ni Geraldine ang palayaw na ibinansag sa kanya noon ng playmate na si JR. Ducky. Dahil noong mga bata pa sila, siya'y masasabing isang ugly duckling. Pati sa sarili'y hindi makapaniwala si Geraldine na magiging magan...