CHAPTER TWELVE
"G-GERALDINE.."
Nilingon niya ang tumawag.
Ang kaklase niyang si Baldomero Manansala,
nasa makalabas ng gate at parang alanganing
lumapit sa kanila ni Cathy."Bakit?" tanong niya.
"Baka magtatapat nang siya si Double M." bulong ni Cathy.
Siniko niya ang kaibigan.
Lumapit sa kanila si Baldomero, susukut-sukot,
hiyang-hiyang hindi niya maintindihan, pakamot-kamot pa nga sa noo."'Yon kasing mga balotang
ipinabenta mo-""Hindi ko ipinabenta, ha? Ikaw ang nagprisintang magbenta."
"Oo nga.' Yong mnga ibinenta ko ika ko, ubos na." Inilabas nito ang mga pinagputulang librito.
Napangiti siya. For the first time ay nginitian ang kaklaseng alam niyang lihim na nagkakagusto sa kanya. "Thank you, ha? Inabot niya ang mga natirang bahagi sa librito.
Parang lalong nahiya si Baldomero, kahit maitim ay nag-blush,"M-meron ka pang mga balota?"
"Wala na. Yong mga huli e ibinenta na ng isang kaibigan."
"A... akala ko kasi, meron pa. Marami pa kong mapagbebentahan."
Lihim siyang nanghinayang sa narinig. Kung sakaling hindi maibenta nina JR at Ceto ang mga ibinigay niyang balota, baka hindi na umabot iyon sa deadline kapag ipinabenta niya kay Baldornero.
"Thank you na lang, ha?" sabi niya.
" Okey lang. Ikaw naman talaga ang dapat manalo, e."
"Thank you uli. Sa coronation, me konting
handaan sa amin, kung me panahon ka, drop by. ""Oo. Kaya lang, Geraldine Parang nag-alanganin na naman ang lalaki na ituloy ang sasabíhin, napatingin kay Cathy.
"Sige na," ani Cathy na papilyang napangiti.
"Wala naman kaming sekreto ni Geraldine sa isa't isa, e."
" Kuwan... puwede kayang makapunta sa inyo kahit hindí pa sa koronasyon?"
"Bakit?" Nagpormal na si Geraldine.
"Ano... 'yong dadalaw. Alam mo na."
"Liligaw," ani Cathy na kunwa'y pinagagalitan
pa si Geraldine dahil hindi nito agad nakuha ang
ibig sabihin ni Baldormero."Naku," hindi malaman ang sasabihing wika ni Geráldine.
"M-mas mabuti na siguro 'yong sa bahay n'yo kesa kahit saan lang, di ba?" nagpapalakas ng loob na sabi ni Baldomnero.
"E-ewan ko. Bahala ka." Nagmamadaling hinila na niya si Cathy. "Tena na," yaya niya.
"ANG lakas ng loob," sabi niya nang makalayo na sila kay Baldomero. "Para ipinagbenta lang ako ng
mga balota e ang lakas na ng loob magsabi ng papanhik siya ng ligaw."Hinihimatay sa katatawa si Cathy.
"Ayaw mo niyon, naragdagan ng list ang admirer mo." panunudyo nito.
"Sa'yo na lang, no?" asik niyang nakairap sa kaibigan.
"Pero akala ko, hindi naman tototohanin Baldomero ang sinabi? ani Cathy na nagpormal na.
"At ba't mo naman nasabi 'yon?"
"Kasi, nahalata niya, ayaw mo. Mahihina na iyong tumuloy"
"Sana nga. Dahil hindi ko alam kong pa' no siya pakikiharapan pag nagkataon. Baka kantiyawan pa ako sa 'min"
"Hindi na tutuloy' yon?
Pero sa pagkadismaya niya, isang gabi sy umakyat nga raw ng ligaw ang kaklase niyang si Baldomero.
At ang natiyempuhan pa namang kasabay, si JR na bumisita naman sa Kuya Patrick niya!
BINABASA MO ANG
ANG UGLY DUCKLING - HELEN MERIZ (COMPLETED)
Fiksi RemajaHanggang ngayon ay taglay pa rin ni Geraldine ang palayaw na ibinansag sa kanya noon ng playmate na si JR. Ducky. Dahil noong mga bata pa sila, siya'y masasabing isang ugly duckling. Pati sa sarili'y hindi makapaniwala si Geraldine na magiging magan...