CHAPTER TWENTY
"MAGUGULAT ka sa darating mong panauhin mamaya," masayang pagbabalita ni Patrick pag-uwi nang hapong iyon.
"Sino? Kung si JR ang - - -"
Sumama ang mukha ng kuya niya. "Huwag mo na ngang babanggitin ang pangalan n'on." anito.
Natiyak niya, hindi si JR ang tinutakoy nito.
Napalitan naman ng pagtataka ang pag-aalala niya.
"Sino nga?"
"Malalaman mo mamaya."
"Ngayon ko na gustong malaman. Ayoko nang
nasu-suspense.""Okey," ani Patrick na ipinatong sa mesa ang
mga dalang gamit at naupo sa sofa. "Di ba't no'ng
minsan e pinuntahan mo ko sa PMI?""Oo."
"Pwes, nakita ka n'ong instructor ko sa Practical Seamanship. Si Sir Mig. Miguel Mariano ang
buong pangalan.""Miguel Mariano? Doulbe M ang initial?"
Biglang-bigla ang dating niyon sa isip niya. Nagtaka
nga siya kung bakit ang mysterious admirer agad
ang pumasok sa isip niya."Oo," nagtatakang sabi ni Patrick. "Bakit?
"Kuya, me nagpapadala sa "kin ng love letters sa school na ganoon lamang ang ipinipirma."
"Siya na nga 'yon. Umamin siya sa akin kanina nang kausapin ako sa kantina."
"Instructor mo ang nanliligaw sa kin?" maang
na tanong niya."Pero bata pa 'yon. Twenty-six lang. Pero
parang twenty-two lang pag tiningnan mo."Tingin níya, boto ang Kuya Patrick niya sa
tinutukoy na lalaki kaya bina-back up sa kanya."Nagtapat nga siya sa akin kanina. Hindi lamang niya sinabing nagpapamisteryoso siya sa mgal sulat sa'yo. Pero umaming nagpapadala nga sa 'yo ng love letters. Kaya pala itinanong noon kung ano kita. Nang malamang kapatid kita e hinanap ang
address ko sa file. Ewan ko lang kung bakit
nalamang sa Capitol ka nag-aaral at bakit doon ka pinadadalhan ng sulat. ""Siguro'y nag-aalalang makikilala mo ang pen-
manship niya.""Kung talagang ipinakita mo sa 'kin isa man sa mga sulat niya, makikilala ko talaga"
"Akala ko kasi, classmate ko lang 'yon. O kaya,
taga-Capitol din. Saka, personal naman 'yon, 'no.
Kaya pala ang galing-galing gumawa ng love letter.""Itinanong niya kanina kung galit ako sa ginawa niya. Ano pa'ng mnasasabi ko kundi hindi. At 'yon nga, kung puwede raw madalaw ka
mamaya.""Pumayag ka naman?"
"Aakyat naman nang mahusay dito 'yong tao."
"Ang tanda-tanda sa kin n'on."
"Hindi nga halata. Para ngang kasing-edad lang ni JR."
Natigilan sila pareho.
Si Patrick ang unang nakabawi sa kabiglaanan.
"Harapin mo mamaya. Ako'ng mag-i-introduce sa
inyo."Tinalikuran na siya ng kapatid.
Pakiramdam niya, gustong bigyan ng replacement ng Kuya Patrick niya si JR sa puso niya.
HINDI nga halatang malaki ang agwat ng kanilang
edad ni Mig, natuklasan niya nang dalawin nito.At ang mas hindi niya inaasahan, yaong
guwapo ito. Kahawig pa nga ng artistang si Philip
Salvador. Maputi rin at may pagka mestiso. pa?
BINABASA MO ANG
ANG UGLY DUCKLING - HELEN MERIZ (COMPLETED)
أدب المراهقينHanggang ngayon ay taglay pa rin ni Geraldine ang palayaw na ibinansag sa kanya noon ng playmate na si JR. Ducky. Dahil noong mga bata pa sila, siya'y masasabing isang ugly duckling. Pati sa sarili'y hindi makapaniwala si Geraldine na magiging magan...