CHAPTER EIGHT

122 1 3
                                    

CHAPTER EIGHT

"TALAGA? Nagdudoktor na'ng lokong 'yon?" hindi makapaniwalang sabi ni Patrick nang ibalita niya
ang pagkakakita kay JR.

"Oo, Kuya. Bagay na bagay nga sa kanya ang puting uniporme, e. Lalo'ng gumuwapo ang kaibigan
mo."

"Sigurado ko, nagbibilang
na rin ng chick 'yon."

Umaray na naman ang puso niya sa narinig.

"O, e kelan daw pupunta rito?"

"One of these days daw."

"Sana, sinigurado niya kung kelan."

"Busy rin siyempre ang paris niya."

"Hindi bale. Baka ako'ng humanap sa kanya sa UST minsan."

"Me ibinigay naman siyang phone number sa akin, e."

"Talaga? Akina-nga."

Kahit hindi kinukonsulta ang yellow card, sinabi niya ang numero ng telepono ni Patrick sa kapatid. Kinabisado na niya iyon sa takot na mawala ang yellow card at malimutan niya ang numero ng telepono ni JR.

"Umiinom kaya ang lokong 'yon?" nangingiting sabi ni Patrick matapos ilista ang numerong sinabi niya.

"Hindi siguro. Clean-living ang mga paris n'on."

"At ano naman ang palagay mo sa 'kin?" nakairap na tanong ni Patrick.

"Lasenggero," biro niya.

"He!" asik sa kanya ng kapatid.

Hindi niya napigil na matawa.

"Ang malas mo rin naman, 'no?"

"Bakit?" aniyang nagseryoso.

"Kung kelan ka mukhang momo e saka kayo nagkita." Tumawa pa ang Kuya Patrick niya.

Inis na inis na tinalikuran niya ito. Ipinaalala pa ang ipinagsisintir niya.

IBINALITA niya kay Cathy ang pagkakakita kay JR.

Pagkagaling siyempre ng allergy niya. Hindi naman nagtagal iyon ng dalawang araw at gumaling agad. Bilib nga siya sa iniresetang gamot ni JR. Ito ang nagreseta sa kanya at inaprubahan lamang ng doktor na superyor nito.

Naisip niya, magiging magaling na doktor si JR balang-araw.

"Ano'ng nangyari?" excited na tanong ni Cathy habang nagmimeryenda sila sa kantina ng Capitol. "Ano'ng reaksiyon niya?"

"Ano pa... di shocked siya sa itsura ko. Sabi nga ng Kuya Patrick ko, para raw akong momo sa naging allergy ko."

"Sayang naman. Bad timing ang pagkikita n'yo uli."

"Sinabi mo pa."

"Hindi bale. Sabi naman yata e pupunta siya sa inyo minsan, di ba?"

"Oo."

"Makikipagkumustahan daw ke Kuya Patrick."

"Paghandaan mo. Pag nakita niya ang beauty mo ngayon, 'yong sinasabi niyang minsang pagpunta niya sa inyo, magiging madalas!"

Napatitig siya kay Cathy. Magdilang-anghel sana ito.

PINAGHANDAAN nga niya ang posibleng pagdalaw ni JR. Araw-araw, nakaayos siya. At kahit papagabi na, nagpapaganda pa rin siya. Nagsusuot ng magagandang pambahay kung di man shorts na nagdidispley sa magagandang legs niya.

Wala namang JR na naliligaw sa kanila.

Gusto na nga niyang mawalan ng pag-asa na
tototohanin nito ang ipinangako.

ANG UGLY DUCKLING - HELEN MERIZ (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon