CHAPTER FOURTEEN

91 2 0
                                    

CHAPTER FOURTEEN

SIYA nga ang nanalong Miss Villa Sabina.

Tuwang-tuwa siyempre ang mga kasama niya sa bahay, mga kakilala't kaibigan. Hindi pa man, tinataya na ng mga iyon na siya ang magiging pinakamaganda sa mga ipaparada.

"Kaya dapat, pinakabongga ang ayos at suot ko. Nay," sabi niyang minsan sa ina habang tinutulungan itong maggawa ng lechen flan.

"Kaya dapat din, tulungan n'yo kong lalo sa paghahanapbuhay," nakasimangot na sabi ni Aling Marissa. "Hindi birong pera ang itatapon natin sa kalokohang yan."

Hindi na lamang siya sumagot para kontrahin
ang ina.

Alam naman niya, lihim din itong nagnamalaki na anak nito ang nanalo sa katatapos
na contest sa kanilang subdibisyon.

SIYA ang personal na nag-specify ng magiging ayos
ng isusuot niya.

Nagkumperensiya silang matagal ng baklang may.malaking shop sa makalabas ng gate ng kanilang subdibisyon. Siya rin ang pumíli ng telang gagamitin.

May beauty parlor din ang nasabing baklang
couturier kaya doon na siya nakipagkasundo ng
serbisyo sa araw ng koronasyon.

"Pabobonggahin ka namin nang husto," sabi ng bakla. "Kakain ng alikabok ang mga magiging kasama mo, Day."

Ganoon naman ang inaasahan niya bagamat
sa sulok ng isip, gusto lamang niyang maging
magandang-maganda para kay JR.

Matagal silang tinikis ng pagkakataon. This time, isusulit niya nang husto ang mga naging kabiguan niya.

Kapag nagkita sila uli ng binata, sasabihin nitong totoo nga palang mas maganda pa nga pala
siya ngayon kay Gretchen Barreto.

UMAGA pa lamang ng kapiyestahan ay abalang
abala na sa household nila. May mga kaibigan nga
ang nanay niya na dumating para tumulong sa
pagluluto.

Si Patrick naman at ang tatay niya, abala sa pagtulong gumawa ng float na ipaiibaw sa jeep ngng tatay niya. lyon ang gagamitin nila sa pagparada sa buong subdibisyon.

Hindi siya binayaang tumulong ng nanay niya
sa ano mang gawain. Mag-beauty rest lamang daw
siya. Para presko ang ayos niya mamaya. Alas-
singko sisimulan ang parada. Isang oras silang iikot saka lamang gaganapin ang koronasyon sa
pinakagitnang bahagi ng subdibisyon. Isang dating
malaking basketball court na ngayon ay hinanayan
ng mga upuan at ginawaan ng maliit na stage sa gitna. Doon sila pararangalan ng iba pang kandidata.

Doon titingalain ni JR ang beauty niya.

Ma-attract din kaya niya ito?

Ligawan na kaya siya pagkatapos?

Nangingiting binisita niya uli ang gown na isusuot. Makislap na hospital green ang kulay niyon.

Pahilis ang tabas sa leeg kaya magiging bare ang isang balikat niya. Ang kalahati ay may manggas na chiffon na waring talulot ng malaking rosas ang korte, light green naman ang kulay. Tightly fitting sa katawan ang korte ng gown, insinuated ng
mahubog na korte ng katawan niya. Sa dakong
balakang, naulit ang pahilis na tabas kaya ang isang
bahagi naman ng hita niya ang magiging bare liban
sa tumatakbong chiffon na katerno ng tela sa manggas. May malaking ribbon na puti na may mga puti ring angel's breath na pang-adorno. Artipisyal iyon ngunit sa malayo ay mapagkakamalang fresh.

May ipinahiram na sa kanya si Cathy na panternong kuwintas at hikaw na parang talagang pang-reyna talaga.

Ginamit diumano ng kapatid
nito nang magsagala sa isang santakrusan, Idagdag pa ang expertise ng baklang kinontrata niyang mag-aayos sa kanya, talagang magiging
magandang-maganda siya mamayang gabi.

ANG UGLY DUCKLING - HELEN MERIZ (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon