CHAPTER NINETEEN

98 2 0
                                    

CHAPTER NINETEEN

MAS nasaktan pa siguro siya sa narinig kaysa
pagkapaso ng kamay niya nang masawsaw sa
plangganang may mainit na tubig.

Pero kakaibang sakit ang naramdaman niya.

Hindi lamang sa balat.

Hindi sa katawan.

Sa puso ang tama.

May nobya na si JR? Kaya pala, sabi ng isip niva. Kaya naman palá kahit anong paganda ang gàwin niya, walang epekto sa binata. May iba palang napupusuan.

Dentistry student.

Tiyak na maganda.

Sosyal.

Baka kasingsosyal ni Nadia. Baka maganda pa sa kanya kaya hindi niya nagawang agawin ang atensiyon ni JR.

Ang sakit naman.

Parang gusto niyang maiyak kahit nasa harapan ng Kuya Patrick niya.

"P-paano mong nalaman? nakuha pa rin niyang
itanong.

" Nasa kanila ako nang tumawag 'yong babae.
Hindi siya nakapagkaila. Parang nag-aaway pa nga
sila sa telepono. Dahil ang gusto yata ng babae,
puntahan niya. Ipinipilit naman niyang hindi siya
makaaalis dahil me bisita siya. Pinagbagsakan yata
siya ng telepono n'ong babae. Nang tanungin ko,
inaming siyota nga niya 'yon. Magtu-two years na.
Pero hindi raw sila magkasundo kasi nga, dominante 'yong babae. Ang gusto ang laging nasusunod korno nag-iisang anak at me kaya ang pamilya."

"Bakit . . parang galít ka sa kanya sa natuklasan mo?"

"Talagang galit ako sa kanya!" Iniitsa pa ni
Patrick ang bimpo sa gilid ng sofa.

"Bakit nga?"

"Parang niloko niya tayo sa paglilíhím niya."

"Hindi naman siguro niya gustong maglíhim. Wala lang sa ating nagtatanong."

"Ang mga ganoong bagay, hindi na dapat
itinatanong lalo na sa magkakaibigan. Boluntaryo
na iyong sinasabi dahil parang pangdi-deceive na
rin kapag itinago mo. Tayo naman, open sa kanya
kahit hindi siya nagtanong. Bakit niya tayo
ginanoon? Ang palagay ko tuloy, gusto pa yata niyang
makagoyo."

"A-anong makagoyo?"

"Malay ko kung kaya siya naglihim e gusto niyang ligawan ka? Ang tingin ko talaga sa kanya noon, lihim na nagkagusto sa 'yo nang makitang maganda ka na. Sabi ko sa sarili, okey na. Dahil ramdam ko naman na me gusto ka nga sa kanya.
Kung nagkataon pala, parang kinunsinti ko pa'ng
kagaguhan niya."

"H-huwag mo nanang masyadong murahin
'yong tao. Ni hindi mo nga alam kung totoong
sapantaha mo. Malay mo rin, wala naman talagang
intensiyon 'yong ligawan ako. Kita mo nga, parang aloof pa sa akin."

"Nananantiya lang siguro. Basta masama ang
naiisip ko sa hindi niya pag-u-open sa atin."

Napatitig siya sa kapatid. Gusto niya itong
yakapin pero nahihiya siya. Alam naman niya ang
totoo kung bakit galit na galit ito kay JR kahit walang konkretong ebidensiya na totoo ang  sapantaha nito,

Dismayado ang Kưya Patrick niya na mapu-frustrate siya. Kaya ang napagdiskitahan nito, si JR nga.

"ME siyota na pala ang Kuya JR mo." Hindi niya gustong maging tunog-sumbat iyon kaya pinasigla niya ang pagkakasabi kay Ceto.

"Hindi mo alam?"

Kahit sa telepono lamang sila nag-uusap, parang nakikini-kinita niya ang pagkabigla sa anyo ni Ceto.

"Wala naman siyang sinasabi, e."

"Sabagay, talaga namang parang ayaw nang aminin ni Kuya JR na siyota niya 'yon, e."

"Bakit naman?"

"Maano kasi, e maarte. Saka akala mo kung sino. Palibhasa, mayaman. Minsan nga, gusto nang breyken 'yon ng kuya, e."

Pero kung tumagal nang two years, ibig sabihi'y
mahal lamang talaga nito ang babae kaya hindi
mabreyk. Lalong kumirot ang nararamdaman niya.

"Ano nga'ng pangalan ng siyota niya?"

"Darleen."

"Darling?"

"Hindi. Darleen." Inispeling ni Ceto ang pangalan.

Pati pangalan, sosyal.

"Tiyak, maganda 'yon, 'no?" pananalakab niya.

" Hmm, maganda ka lang ng isang paligo."

Binobola lamang siya ni Ceto, ayaw siyang ma-offend. O kaya, nagbibiro. Pero kuha na niya sa sagot nito, talagang maganda ang ginfriend ni JR.

"Kumusta na kayo ni Cathy?" pag-iba niya ng usapan.

"Heto, parehong lalong inspired sa pag-aaral.
Ikaw, sabi ni Cathy e magbu-boyfriend na rin daw,a. Kilala ba namin?"

"H-hindi," pagkakaila niya. Ayaw niyang makatunog ang kausap sa totoo. Lalo na ngayon.

"Sabi ni Kuya JR, ipakilala mo naman daw sa:min,"

"B-bakit alam niya?" natitigilang tanong niya.

Napagkuwentuhan ka namin no'ng isang araw. Nabanggit ko nga ang sinabi ni Cathy."

Mabuti naman, naisip niya. Kahit paano, malaman man lamang ni JR na magkakaroon din siya ng kanya.











ANG UGLY DUCKLING - HELEN MERIZ (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon